Anikka
Hinayaan kong lumipas ang oras ko sa pagtitig sa sunflower na nakalagay sa vase na may tubig. At kapag pagod na ang mga mata ko sa pagtitig doon ay nanunuod ako ng TV. But that didn't entertain me. Pero hinayaan ko pa rin itong nakabukas. At kahit na nakatitig ako sa telebisyon ay ibang bagay pa rin ang tumatakbo sa isip ko.
I always thought that I am lucky to have this kind of voice. Halos lahat ng tao ay gustong-gustong magkaro'n ng magandang boses. Music is the language of the heart. Singing is my way to speak up what's inside my heart and mind. Kaya naman nang mapunta ako dito sa Maynila ay sinunod ko agad ang gusto ng puso ko. Ang pagkanta. I found my destiny with the help of these melodies until music itself became my whole life.
Kaya naman hindi ko inakalang mabubuhay ako nang walang musika sa katawan ko. Pero kailangan. Inisip ko na kailangan ko na munang magpahinga sa pagkanta. Ilang araw lang naman, o baka tuluyan ko na. O kaya maghanap na lang ako ng ibang trabaho... o umuwi na lang sa probinsya. Malayo sa lugar kung nasaan ang musika ko. Sa lugar kung saan ko nahanap ang sarili ko.
I know it will be hard, but I guess this is the right thing to do.
Kalagitnaan ng gabi nang atakihin ako ng cravings ko. Kaya naman nagpunta ako sa isang convinient store para bumili ng vanilla ice cream. Pagkarating ko sa apartment ay taimtim akong naglakad papunta sa unit ko bitbit ang dalawang ice cream. Habang papalapit ay naabutan ko ang isang lalaking naka-itim na jacket na naka-squat sa tapat ng pintuan ko. At sa tapat niya ay nakapark ang isang itim na motor. Napatigil ako at tumikhim upang pukawin ang atensyon niya. Ilang sandali pa ay inangat niya ang ulo niya at nilingon ako.
"Gio?" Kunot-noo kong tanong.
Walang anu-ano ay tumayo siya at mabilis na lumapit sa'kin. Nanlaki naman ang mga mata ko nang bigla niya akong sunggaban ng yakap. At unti-unti ay narinig ko ang mahihina at halos pigil na paghikbi niya.
"Anong nangyari?" tanong ko habang hinahaplos ang ulo niya. Damang-dama ko ang mabigat na pagtibok ng puso niya dahilan para makaramdam ako ng matinding kaba.
"Si-si Daddy..." Humikbi siyang muli. "Pa-patay na siya."
"Ano?!" gulat kong tanong at tila nanlamig ang buo kong katawan.
Pinilit kong ikalma ang sarili ko sa nakakagimbal na balitang narinig ko. At bago pa man ang lahat, inanyayahan ko siyang pumasok sa loob. Agad akong kumuha ng isang pitsel ng tubi para bugyan siya dahil halos hindi na siya tumigil sa kakaiyak. Seeing him cry made me feel sadness as well.
"Hindi ko kayang makita siya na wala nang buhay. Ganito pala 'yong pakiramdam? Parang... parang mamatay din ako, parang gusto ko ring sundan siya agad. Sobrang sakit eh. Ang sakit-sakit. Alam mo sana.. sana panaginip lang 'to. Gusto ko nang gumising... Gisingin mo ko, please... Hindi 'to totoo, nananaginip lang ako 'di ba?"
Sa pagitan ng bawat paghikbi niya ay pilit niyang inilalabas ang sakit na dala niya. He's also shaking while speaking up. At kahit pigilan niya ang pagluha ay tila isang bukas na gripo ang mga mata niya na patuloy sa pag-iyak. Ramdam ko ang sakit na dama niya kahit na tingnan ko lang siya. At sa sandaling ito, mas pinili kong tumahimik na lang. Dahil walang sapat na salitang nararapat para mapagaang ko ang loob niya.
Hinayaan ko siyang umiyak nang umiyak kahit parang hindi man lang siya nakakaramdam ng kapaguran. At halos maubos na rin niya ang isang pitsel ng tubig dahil sa pag-inom. May mga sandaling tatayo siya at titingin sa mga bituwin tapos ay muling papasok at itutuloy ang pag-iyak. Sa katahimikan ng paligid ay tanging mabibigat na paghinga lamang niya ang naririnig ko.
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
Literatura FemininaWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)