◾ T W O ◾

165 41 15
                                    

Anikka

The sound of the usual busy road was wrapping the atmosphere. Mga busina ng sasakyan, pagdadaldalan ng mga nakakasalubong namin, at ang tunog ng maliit na bell ng mamang sorbetero. Hindi gaanong kainitan dahil mag-aalas syete pa lang ng umaga. Pero ang dami nang tao sa klasada na abala sa kanya-kanya nilang gawain.

Hindi ko naman alam na ganito kami magiging tahimik ni Liam. Naover come ba kami ng mga ingay? O baka awkward lang talaga dahil sa nangyari kanina? I thought I have the upper arm nang tawagin ko siyang Mahal, hindi pala. Mabilis ding nakabawi ang loko at ako naman itong natatameme at hindi makapag-salita. Babae pa rin ako, nakakaramdam din ako ng kilig ano, at kapag kinikilig ako, madalas natatahimik ako.

Hanggang sa makarating kami sa auditon venue ng isang singing contest ay walang salitang lumabas mula sa mga bibig namin. At nagsimula lang akong magsalita ng tanungin ako ng isang staff tungkol sa mga personal na information ko. He told me to settle down for a while at tatawagin na lang kapag ako na ang sunod na isasalang.

"Seryoso ka talaga sa mga sinabi mo kanina?" tanong ni Liam pagkaupo namin sa monoblocks.

Napatingin ako sa kanya at it made him uncomfortable.

"No, 'yong tungkol sa paglipat ko sa unit mo? Are you really okay about that?" paglilinaw niya. Well, I thought he meant something else.

"Oo naman." Tumango ako. "Kapag hati tayo sa iisang unit at bills, mas tipid. Makakapag-ipon na rin ako at ikaw para sa tuition mo. Magandang ideya 'yon, 'di ba?"

"Pero makalat akong tao," he warned me.

"Alam ko, halata naman sa tuwing papasok sa ako sa unit mo laging nakatambak sa kung saan 'yong mga gamit at panitings mo. Oo nga pala," sabi ko nang may biglang maalala. Binuksan ko ang bag ko at kinuha ang susi ng unit ni Liam na binigay niya noon. "Mukhang hindi ko na kakailanganin 'to."

Kinuha niya iyon at nilagay sa bulsa niya. Napatingin siya sa mga taong naglalakad-lakad sa harapan namin. May mga nag-uusap din, mga nagpapractice ng kanta, tapos may mga kumakain. "Okay lang ba sa'yo 'yon?"

"Oo naman, masinop naman ako. Baka matulungan kita sa problema mong 'yan," sagot ko at napatawa. Kinuha ko rin mula sa wallet ko ang susi ng unit ko at inabot sa kanya. "Sa'yo na 'tong spare key ko. Ingatan mo 'yan ah."

He kept that on his pocket too. Habang nag-hihintay ay tuloy lang kami sa pagkwe-kwentuhan. Paminsan-minsan ay hinihimig ko ang audition piece ko tapos magiliw na makikinig si Liam. Sobrang supportivie niya. Sa kahit anong trip ko ay sinasamahan niya ako. Minsan nga pumupunta pa siya sa mga gig ko sa bar pagkagaling sa school para panuorin ako. Tapos, uuwi kami nang sabay sakay sa motor niya. Kaya naman kahit walang kame ay pakiramdam ko, meron na.

Mayamaya pa ay tinawag na ang pangalan ko ng isang babaeng staff at sinabing ako na ang susunod. Bigla akong nakaramdam ng kaba at tila bumaliktad ang sikmura ko. Huminga ako nang malalim at binuga ito nang may tunog. Para rin akong may hawak na yelo dahil sa nanlalamig kong kamay. Kahit naman gabi-gabi na akong kumakanta sa harapan ng maraming tao ay normal pa rin na makaramdam ako ng ganito. Sabi nga, matakot ka kung hindi ka na kinakabahan.

"Good luck," nakangiting sabi ni Liam at inangat nang bahagya ang kamay para saluduhan ako.

Sinuklian ko siya ng ngiti at nagpatuloy na sa paglalakad papasok sa audition room. I prepared a song na alam kong ikagugulat nila. Ang sikreto lang naman ay dapat mapanganga ang mga judges sa audition piece. When the music started, the war began. Kaya naman puro may birit ang kinanta ko. I gave my best. Halos ilabas ko na ang voice box ko dahil alam kong doon sila hahanga. But I was wrong. Hindi bumenta sa kanila ang ganong awitin. They said I gave them too much. I gave them a song without a heart. Kaya hindi ako natanggap.

Sun, Flower, and RhythmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon