Anikka
Sana nagagawa ko rin 'yong kayang gawin ni Liam. Na kapag nalalasing eh nakakalimutan lahat ng nasabi kapag nahimasmasan. Kaso, hindi nga pala ako nalasing, walang nalasing sa'ming dalawa at sigurado ako doon. Pero bakit parang wala siyang naalala sa nangyari kagabi? Habang ako, heto alalang-alala lahat ng sinabi namin sa isa't isa. Maging ang kahihiyan ay dama ko pa rin hanggang ngayon.
Sanay naman ako sa biruan, pinagsigawan ko pa ngang kami na pero bakit iba ang pakiramdam ko ngayon? Lalo na habang katulong ko si Liam na nag-lilipat ng mga gamit niya sa unit ko. We talked like usual. Kwentuhan ng mga kalokohan. Pero wala ni isa samin ang nagbanggit ng nangyari kagabi. Feeling ko naging kami pero naitala sa librong hindi mababasa nino man, kahit na kami mismo.
"Ito 'yong pinaka-una kong painting," aniya at pinakita sa'kin ang portrait ng isang babae. "Si Mama 'yan, kaya lang ang pangit pa ng pagkaka drawing ko sa kanya."
"Okay naman," sagot ko. "Tama lang sa isang baguhan," dugtong ko at tumawa. Pero sa tingin ko natuwa ang Mama niya nang makita 'yon. Kahit ako man ipinta ng ibang tao, kahit hindi gano'n kagandahan, basta mula sa puso, maappreciate ko.
Pinagpagan niya iyon at hinipan ang nakadikit na alikabok sa kwadro ng painting kaya naman napaubo kami pareho. Winasiwas ko ang ilang alikabok at tumikhim. Napatingin naman ako sa isa pang kwadro na sa tantya ko ay luma na rin. Pagkaangat ko ay namangha ako dahil sunflower farm ang nakapinta dito. Paburito ko ang sunflower. Parang kinindatan ako ng taong gusto ko sa tuwing makakakita ako ng totoong sunflower.
"Sa'kin na lang 'to, please," sabi ko kay Liam at pinakita ang painting na hawak ko. Sandali niya itong tintigan at bahagya ding tumango. "Thanks."
"Ayaw mo sa sunflower ano?" tanong niya kabaligtaran ng ibig niyang sabibin. "Ang dami mong sunflower sa unit mo eh. Ano bang meron dyan na wala sa ibang bulaklak?"
"Maaliwalas kasi siyang bulaklak. Mukhang araw. Sun represents hope. Tapos 'di ba ang sunflower sumusunod sa araw? Parang gano'n kasi ako, I follow the sun, and believe that every day, when the sun arise, it gives us new hope," paliwanag ko nang nakangiti. "Kapag sa burol ko nga gusto ko maraming sunflower."
"Bakit?"
"To make the mourning souls believe that there's hope awaits the next day."
He slowly nodded as he spill another question. "Ang hilig mong pag-usapan ang lamay mo, excited ka na ba?"
"Hindi naman, I just want my sake to happened the way I want it. Sa'yo ko lahat kinukwento 'to, kaya dapat kapag namatay ako, ikaw magpapaliwanag sa maghahandle ng lamay ko ah?" I joked at napatawa.
Unti-unti, nang hindi ko namamalayan ay patapos na kami sa paglilipat. Medyo nakakapagod pero enjoy naman dahil nagiging malaman na ang unit ko. Nagpahinga muna kami sandali at nagtanghalian na, mahilig magluto si Liam kaya naman naghanda siya ng adobong pusit. At promise, napakasarap. Hindi ako kumakain ng pusit dahil sa paniniwalang may formalin ang calamares, pero dahil sa luto ni Liam, nasarapan ako. Pero, hindi pa rin ako kumakain ng calamares, dipende na lang kung siya ang magluluto.
Madalas kating-kati akong ikwento sa kanya lahat ng ginagawa at sinasabi niya tuwing lasing siya. Tapos lagi niyang itatanggi na ginawa o sinabi niya iyon. Pero sa pagkakataon na ito, mas pinipili kong manahimik na lang. Dahil baka hindi talaga siya lasing, at maging iyong sinabi ko ay naaalala pa rin niya hanggang ngayon.
Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos kami sa pagkain. Nagrepresenta si Liam na siya na raw ang mag-huhugas. Pagkatapos nagpahinga lang kami sandali at tuloy na naman sa paglilipat ng mga gamit. Hanggang maghapon na, sa wakas ay natapos na rin kami. Nang mapatingin ako sa unit ko ay nabigla ako sa naging itsura, medyo sumikip dahil sa dami ng gamit ni Liam.
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
ChickLitWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)