Anikka
Satisfied, I went home wearing smile on my heart. Masaya ako dahil sa dalawang dahilan: Una ay dahil muli, nagawa ko na naman nang maayos ang trabaho ko. Ramdam ko na nailabas talaga ni Sir Tyler ang sakit at lungkot na nasa loob niya. Pangalawa, dahil sa nangyari kanina, naging mas insipred ako na kausapin na si Mama sa pagkikita namin ulit. Ihahanda ko na ang sarili ko sa kahit na anong mangyari. Dahil gusto ko, wala akong bagay na pagsisisihan sa dulo dahil sa kaduwagan ko.
Naexcite na tuloy akong makauwi at makipag-kwentuhan kay... kay... kay Sabeth. Sino pa nga ba? Pwede ring kay Lola. Sus. Hindi lang naman siya ang pwede kong pagkwentuhan ng mga nangyayari sa buhay ko. Tsk. Bakit ba pumasok ang lalaking 'yon sa isip ko? Eh mukhang hindi man lang nga ako dumadapo sa isip nun eh, kung may isip man.
I mean, hindi man lang siya tumawag to explain. Kasi hanggang ngayon, aaminin ko, naghahanap pa rin ako ng sagot sa tanong ko na bakit. Walang text. Kahit wrong send lang o mali ng natawagan. Wala kahit ano. Wala akong balita sa kanya. Ewan ko kung closure ba na matatawag ang ginawa niya sa'kin noon. Because I was left confused behind. There was an open question which was never been closed.
Hindi naman pwede na ako ang tumawag at mag text sa kanya. Well, kahit na binura ko na 'yong number niya kabisado ko pa rin naman 'yon. Pero babae ako, nature namin na hindi kami ang unang gagawa ng move. Nakakababa ng pagiging babae. Oo alam ko na ngayon dapat pareho nang gumagawa ng move, pero hindi ako gano'n, walang aangal. Pero kung babalik man siya, siguro kapag nagpaliwanang siya nang maayos baka tanggapin ko ulit siya.
Ni hindi ko nga sinabi na nakikipag hiwalay na ako sa kanya noon eh.
He just left.
At kung nasa'n man siya. I hope he's fine. He's doing well. At sana, nakukuha niya na ang space na hinihingi niya sa'kin noon.
...
"Anikka!"
"Ano?" tanong ko kay Sabeth na hindi masukat ang ngiti habang hawak ang cellphone niya. I think she's watching something. Baka kdrama na naman.
Ipinasok ko ang bag ko sa loob ng locker ko habang hinihintay ang sagot niya. Medyo hapon na talaga ko nakapasok dahil napuyat na naman ako kagabi kakaisip kaya tanghali na ako nagising. Naglaba pa ako kaya hindi ko na nagawang pumasok pa nang mas maaga.
"Sikat ka na!" masigla niyang sabi kaya naman agad kong isinara ang locker ko at tiningnan siya.
"Anong nakain mo?" kunot noo kong sagot. Anong sikat? Sa pagkakatanda ko wala naman akong contest o anuman na sinalihan para maging sikat ako.
"Look," aniya at hinarap sa'kin ang cellphone niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko. Oh my God, ako ang nasa video. Habang kumakanta ng Monumento sa libing ni Mommy Fae. Kinuha ko ang cellphone niya at napaupo sa monoblock habang nilalakasan pa ang volume. May nagvideo pala ng pagkanta ko no'ng araw na 'yon. Hindi ko alam kung anong magiging rekasyon ko. Overwhelmed. Almost 300 thousand views, 100 thousand reacts, shares and comments. How did it happened nang hindi ko alam?
"Wow, viral na siya." Napalingon ako kay Jona na biglang sumulpot sa likuran ko. Kasama niya si Jonathan na nakikinuod din sa cellphone ni Sabeth.
"Hindi ah," sagot ko naman agad at pinilit ang sarili na hindi mangiti nang malawak.
Like, syempre sobrang saya ko! Ayaw ko lang ipakita sa kanila na sobra-sobra 'yong kaligayahan ko. I mean, this is something that I should be proud of myself.
"Naks, sikat na si Baby," singit naman ni Jonathan habang nakangiti nang malawak kaya inirapan ko siya.
"Tumigil ka nga," sagot ko naman at mabilis ding nawala ang ngiti niya.
BINABASA MO ANG
Sun, Flower, and Rhythm
Romanzi rosa / ChickLitWhat song would you like to be played in your funeral when you die? Highest rank: #9 in INSPIRATIONAL (7/26/18)