Chapter 7

1.9K 44 2
                                    

Hindi ko ugaling seryosohin yung mga sinasabi ni Mommy.

Pero pag si Dad na nakialam hirap na akong suwayin siya. Kahit solong anak lang ako hindi ko kayang maging bratinela noh-----mabait kasi ako masyado.

And no one knows that.

Si Dad, parang judge kaya yan. His decision is always final. Walang bawian Kaya eto, naiipit nanaman ako huhu.

Kasalanan to ng hinayupak ng kyle na yun, dapat sa kanya sinasapak hanggang sa mabasag yung mukha-------pigilan niyo 'ko. Mapapatay ko talaga yang damuho na yan. I cant bleieve na I'm getting married at ang di pa kapani paniwala eh sa hinayupak na lamang lupa pa.

Mygad kung hindi lang dahil 'to kay Dad magwowalkout talaga ako, kung wala lang syang heart disease huhuhu I really love my dad ayaw kong nasstress siya. Ayoko na nagagalit siya. Kaya hindi ko siya
binibigyan ng sakit sa ulo. Now, for dad's sake, titiisin kong makasama ang abnoy nato pero wag syang mag assume na magiging masaya sya sakin bwhahahahaha.

Just for Dad's sake.




Dad announced that me and kyle are getting married. Bwiset. pulang pula ako sa hiya. No way! Parang wala
lang sa hinayupak na to, pinagplanuhan nya talaga to pero sa pag kakaalam ko pati siya pinilit lang din ng parents niyang maikasal sa akin. Parents naming dalawa ang nagplano nito. Sila na lang kaya ang magpakasal?

Now, everybody thinks na totoong boyfriend ko na 'tong lamang lupa.

Magwawalk-out na sana ako when I felt him hold my arm then whispered

"San ka pupunta? I'm doing this for my parents. Stop acting like you don't care, 'di  lang ikaw ang pinilit." padiin nitong sabi.

"Ano? Bakit? kasalanan ko ba to? Ako ba nagsabing, PAPANAGUTAN-KO-PO-ANG-ANAK-NYO?" sagot ko na naman with matching gaya-gaya sa boses niya kanina while sinasabi niya yon---pero wait yun ba yung sinabi nya kanina? Ahhhh nevermind pero Gusto ko na siya saksakin ng tinidor. Sus, konti na lang, papatayin ko nato.

"gusto mo naman" pabulong nitong sabi.


"Ang kapal din ng apog mong kumag ka no!" Inis kong sabi pero di ko sinabi ng malakas. Baka marinig ng iba. Instead, tinapakan ko paa niya. Napaigtad siya sa sakit tapos napasigaw whahahahah Boom 1 point for you Ashley!

"ahh shit"

Feeling ko nakaganti ako. Kaya lang, napostpone ang makasaysayan kong pagdiriwang ng nagtinginan sa amin ang mga bisita.

Nabulabog ata sa sigaw ng lamang lupa na 'to.

Kaya nagpatay malisya na lang ako.

Para hindi kami mahalata, kinurot kurot ko kunwari si Abnoy sabay tawa ng tawa na parang tanga.

Ang sarap kitilin ng lamang lupa na 'to hihihi.


"Don't mind us. Sobra lang po akong mahal nito kaya nananakit na. Diba ash?" Sabi ni kyle sabay tawa. Sige lang tumawa ka lang. Iiyak ka sakin mamaya.


Nagsitawanan naman ang mga tao at chineer kami. Inirapan ko na lang si lamang lupa na ngayo'y nakangisi ng abot tenga.

Nagmumuka na akong tanga dito bwiset.


--


Tatlong araw rin kaming nagstay sa island. And God! Palagi kaming napapag-abot nung lamang lupa na kyle na yon!

Wala akong magawa kundi makisakay sa pag-arte.

Ayokong mapahiya sila Mommy. Ang alam ng lahat, boyfriend ko 'tong lamang lupa nato!

The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon