Chapter 9

1.7K 41 0
                                    

KYLE'S POV

Natatawa talaga ako sa reaction ni ashu kanina hahahahaha. Pulang-pula na siya.

May regla kaya sya---pwee ano ba to. Kadiri yung pinagsasabi mo kyle pero akala niya siguro di ko siya susundan.

Nasa hallway siya nun, naglalakad papunta sa ewan ko kung saan. Kaya ako naman, sindundan siya agad.

Inisin ko kaya to? Miss ko na kasi yung pagtataray niya.

Nagbubulungan na yung mga tao sa paligid namin. Naglalakad na ako ng sobrang lapit sa kanya. Mukha na nga akong aso shit sa kapogian kong to magmumukha akong aso? Kyle pogi ka pa din tandaan mo.

Napansin niya sigurong sinusundan ko siya kaya bigla siyang lumingon. I was close kaya BLAG! tumama siya sa dibdib ko shet men kaya napaatras siya ng ilang hakbang.

I smiled

She frowned

I stepped forward

She stepped back

Forward

She stepped back

Kakausapin ko na sana siya kaya lang biglang tumakbo--- Runner ata yun, ang bilis tumakbo.

Buong hapon akong nakaupo lang sa library. Ang boring. Asan na ba kasi si ashu?

Nang papunta na ako sa susunod kong klase. Napansin ko yung kaguluhan sa may hallway. Lumapit ako tapos bigla kong narinig,

"Wala, Ewan pake ko sa kanya"

"How dare you to call him Damuhong bakla!"

"A-aahhh let me gooo--Aray!"

Wait! I know that voice, that's ashu! Dali-dali akong sumiksik sa kumpol ng mga estudyante and I saw ashu on the ground habang hawak-hawak ng dalawang babae ang buhok niya. Nainis ako bigla.

Buong gabi kong tinitigan yang mukhang yan, yang buhok na iyan nung nakitulog ako sa quarters ni Ashu sa isla, tapos hihilahin lang nila.

Malalaki ang hakbang ko na lumapit ako sa kanila.


"Let her go."


Napatigil silang apat sa paghila sa buhok niya. Sabay sabay silang napalingon.

"Kyle Yuriko"

"Alam mo ba. This tomboy right here, called you damuhong bakla" maarteng sabi nung isa sa sumabunot kay ashu.

Hindi ko pinansin yung sinabi nung isang babae. Tinanggal ko ang kamay nilang nakasabunot sa buhok ni ashu.

"Everybody listen. Get your hands off this girl. Ayokong sinasaktan niyo siya. Nobody can hurt her." Inis na sabi ko sabay talikod habang buhat-buhat ko siya. Lumingon pa ako ulit.

"And one more thing, this girl beside me can call me Hinayupak or anything she wants--Because she's my WIFE"


ASHLEY ' S POV

"She's my WIFE."

"She's my WIFE."

"She's my WIFE."

"She's my WIFE."


"Aaaaaahhhh! Nakakalokaaa. Tantanan mo akong Damuho ka!" sigaw ko habang nakaharap sa dingding, nakakahiya yung kanina. Kargahin ba naman ako sa harap ng maraming tao huhuhu my dignity!

Hinayupak talaga.

Nakatulog akong yun ang iniisip. Actually, hindi ako ganon kahimbing nakatulog duh para kayang sirang plaka yung sinabi niya. Paulit-ulit na lang.

"wait what? Aahhhhh Ang laki ng eyebags ko!"


Para akong Zombie'ng naglalakad sa school. Napapatingin sa akin ang mga tao tapos nagbubulungan.

"kaya pala, boyfriend pala siya nung anak ng may-ari ng school." Bulong nung isa. BULONG DAW? Ewan ko lang kung bulong pa yun kasi naririnig ko


"Sayang. Tss. ang gwapo pa naman ni Kyle."


Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nila. Bwiset lang. Ikaw ba naman walang tulog tapos pagdating mo sa univ ikaw pag uusapan.

"HONNN"

Napatigil ako bigla sa paglalakad.

Yung feeling na parang binuhusan ako ng malamig na tubig.

Tatakbo na sana ako pero biglang may humawak sa kamay ko. Paglingon ko it's Vaness.

"Best, bakit parang nakakita ka ata ng multo?"

"ano---ano kasi---Si ano--"

"Anong ano?"

"Si ano--andito na si--ano" AHHHHH! nauutal ako. Palapit na si Abnoy. Ayoko na dito.

"Ano ba? Di kita maintindihan!"

"Andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap hon"

Namula ako. As in, talo pa ang kamatis na hinog! Why is diz so unpair huhuhu.

"Hon? Sino? Si Ash ash?" litong tanong ni vaness.

"Tingin ko ikaw ang bestfriend ng asawa ko. Nice meeting you. I'm Kyle Yuriko"

"So ikaw pala yung tinatawag nyang Damuhong abnormal na hinayupak?"

"W-what? Ahh shit y-yes that's me" huh? bakit parang proud pa siya na tinatawag siyang damuhong abnormal na hinayupak? Ilang drugs ba natira ng kumag na to?



Lumapit si kyle sa'kin at kinuha yung bag at libro ko.

He held my hand at hinila ako palapit sa kanya pero shet ba't namula ako lalo. Hindi ko pa maigalaw kamay ko.

Hinatid niya ako hanggang sa susunod kong klase. Buti't di kami classmates. Kasi tulala lang talaga ako mga cyst diko maresist kalandian ng white blood cells ko.

Pagkarating namin sa room. Nagpaalam na siya sa prof ko, akmang lalakad na'ko ng bigla nya nanaman akong hilahin at halikan sa pisnge tapos tumakbo paalis----teka wait

process

Process


What happened?







The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon