Chapter 14

1.5K 27 0
                                    

"I love you "

Hindi ko masyadong narinig. Oh baka, mali lang dinig ko. Napalingon ako bigla. Bago pa ako makapagtanong, sinalubong niya na ako ng halik sa pisngi. 


Ahhhhh wag kang kikiligin ashley. Narinig ko pang nagpalakpakan yung mga taong nakapaligid samin huhu nakakahiya.




Dugdug..

Napahawak ako sa dibdib ko. Ayan na naman. Nahihirapan na ako huminga sa lakas ng pintig ng puso ko. Potek naman. Tantanan mo akoooo.



"Restroom muna ako." Biglang sabi ko kay kupal at dali daling lumabas ng penshoppe.

Napasandal na lang ako sa pinto ng cubicle.

Dugdug.


Bakit hindi parin siya tumitigil. bakit ba ako nagkakaganito? Di pwede to. Enemy ko kaya yun.

Paglabas ko, nakita kong nakasandal siya sa may dingding malapit sa Girls restroom. Nang makita niya akong lumabas. Lumapit siya agad sa akin.

"Okay ka lang ba?"

Pinilit kong kalmahin ang sarili ko.

"Oo naman, may dahilan ba ako para di maging okay?" sabi ko with a blank expression.


Nagkibit-balikat siya. Ako naman nauna na sa paglalakad.

"San mo gusto magdinner?" basag niya sa katahimikan.

"Wag na. Busog pa ako" sabi ko naman without looking at him.

"Busog? Eh kanina ka pa ata hindi kumakain, let's have a dinner"

"Wag na sabi, Busog pa kaya ako." at mas binilisan ko pa ang lakad.

Napansin na ata niya na parang nag-iba yung timpla ko. Ramdam kong hinabol nya ako at agad na hinili yung wrist ko.

"May problema ba?"

Napalingon ako bigla.

Dugdug.

Ikaw. Ikaw yung problema kong hinayupak ka bakit ganyan ka ba kasi? Ayaw ko ng ganito! Yung puso ko!

Pero syempre sa isip ko lang yan.

Diko alam pero automatic akong namula.

"Wala." hinila ko ang kamay ko. "Gusto ko nang umuwi."


"Hatid na kita."


"Wag na. Papasundo nalang ako."



"Pero---"

"Sabi ko, wag na! Bingi ka ba?" sabi ko sabay talikod. I called my driver and told him to pick me here ASAP diko na kerri to baka mamaya mahimatay na lang ako bigla dahil sa sobrang bilis pa din nang pagtibok ng puso ko.

Sinundan niya lang ako at inantay na makasakay na.

"Thank you for accompanying me." Sabi niya bago ako umalis.

Tango lang ang isinagot ko sa kanya.





Kinakabahan parin ako hanggang ngayon. Natatakot ako sa pwedeng mangyari kung hahayaan kong lumapit sa akin si Kyle. Natatakot ako na hindi ko na kayanin yung pagmamatigas ko huhu mygad!

Natatakot akong mahalin siya.

--

Kinabukasan, pumasok ako sa school na walang tulog. Wag niyo na tanungin kung bakit. Malamang dahil dun.



Todo iwas naman ako sa kanya. Umiba na ako ng dinadaanan sa school para di kami mapag-abot.

Tuwing nasa iisang klase naman kami ang ginagawa ko tuwing kinakausap niya ako ay diko na lang sya pinapansin.


Ignored



Ignored




Ignored


Pagdating ng hapon. wala na akong klase. Diretso uwi nalang ako or baka dadaan muna ako kila Vaness ngayon, tinatamaan na ako ng katamaran kaya hindi na muna ako nagdrive. Nagpapahatid-sundo ako kay Manong. This week lang naman.

Palabas na ako ng gate at natatanaw ko na nga yung kotse na ginagamit sa pagsundo sa akin, siguro tatambay muna ako kila Vaness.

Pagkatapat ko sa kotse ay agad kong Binuksan yung pinto sa passenger's sit tapos sumakay ng hindi tumitingin.

"Manong, hatid niyo po muna ako kina Vaness"

Nakapagtatakang di sumagot si Manong Driver.

Nevermind. Masyado na akong pagod para usisain pa siya.

Isinuot ko ang headphone ko at pinlay ko yung random songs and well nagkataong it's the same song nung nasa car ni abnoy.


When I look into your eyes,

It's like watching the night sky.

Oh, a beautiful sunrise,

There's so much they hold.

And just like them old stars,

I see that you've come so far.

To be right were you are,

How old is your soul?

Well, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.


Naramdaman kong unti-unti na akong hinihila ng antok.





And when you're needing your space,

to do some navigating.

I'll be here patiently waiting,

to see what you found.

No, I won't give up on us,

Even if the skies get rough.

I'm giving you all my love,

I'm still looking up.


I'm still looking up.


Napapikit na ako. Ang sarap matulog ngayon.

Bago ako tuluyang maapikit. I heard someone talking.

"Yes, I won't give up."


--

Unti-unti kong iminulat ang mata ko pero inaantok pa talaga ako kaya hindi ko pa maibuka ng maayos.



Pagkadilat ko, nakita ko yung langit. Punung-puno ng stars.

Wait- Wait, diba nasa car ako bago ako nakatulog? Paano ako umabot dito?

Pinakiramdaman ko ang sarili ko.

Teka, parang nakaunan ata ako sa braso ng kung sino. Paglingon ko, Bigla akong binundol ng kaba.

Don't tell me---








The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon