Chapter 36

960 24 0
                                    

Pagulong gulong na ako sa kama, parang sinisilihan nga yung pwet ko--- Inaantay ko lang naman na bumalik si Kyle dito at wala ng atrasan, Tatanungin ko talaga siya.

Pero dalawang oras ng dilat ang mga mata ko, ni dulo ng buhok ni Kule 'di ko pa nakitang bumalik.

Bumalikwas ako ng bangon at hinagilap ang cellphone ko. Sinuot ko ang aking sinisintang headphone.

Magsasountrip na lang muna ako habang inaantay kong bumalik si Kyle.


Heartbeats fast, colors and promises,

How to be brave.

How can I love when I'm afraid,

To fall, watching you stand alone,

All of my doubts certainly goes away somehow.

One step closer..

I have died everyday waiting for you.

Darling don't be afraid, I have loved you.

For a thousand years.

I love you for a thousand more..

Napahinto ako sa pagkanta.

Wala parin si Kyle.

Baka naman kasama lang nina Bailey.

O di kaya baka nag-jogging at inikot lang nya yung buong isla.











O di kaya baka may ibang babaeng kasama.

Napatindig ako bigla.

"Ano naman kung may kasama siyang iba diba?" tanong ko sa sarili ko.

----

"pano kung meron nga?!" dabog ko.

Tinungo ko ang pinto. Titignan ko lang naman kung meron ba---- wala namang mali dun kung ichecheck ko diba?!

Naglakad-lakad ako sa labas. Mukhang may party. Ang daming tao eh.

"Nasaan na ba yun?" kausap ko sa sarili ko.

"Pag nakita ko talaga yon, humanda sya sa'kin."

Sa kakalakad ko, umabot na ako sa may dalampasigan.

"Hmmm ang sarap talaga ng hangin dito." sabi ko sabay tingala sa langit.

----

Ilang sandali rin akong nakatitig sa langit ng may maulinigan akong mga kaluskos.

Paglingon ko, parang nakita ko si Kyle na nakatalikod.

Napaigtad ako.

Tumayo ako agad at hinanap ang pinagmumulan ng mga kaluskos.

Paglampas ko sa isa sa malalaking puno ng niyog nakita ko ang likod ni Kyle at kahit di siya nakaharap kilala ko na si Kyle talaga to.


Lalapit na sana ako ng biglang may narinig akong boses ng babae.

"Baby, I missed you so much how about don ka sa room ko mamaya?" sabi nung boses.


Nagsisimula ng mag-init ang mga mata ko.

Ang sakit pala mapakinggan ng ganito.


"Alam kong miss na miss mo na rin ako. Because I'm Eunice ang babaeng hindi mo kayang mawala sa'yo." sabi ulit nung babae.




Teka Eunice? Ito ba yung Eunice? Siya yung babaeng ang talim kung makatingin sa amin kanina ha.

"C'mon baby alam kong kaya ka sumama dito ay para makita ako. Alam kong di mo ako matitiis."

Kaya pala sumama si kyle---- kaya pala.

"And one more thing. I might as well say na magaling ka mamili ng laruan ha? nawala lang ako saglit naghanap ka na kaagad ng laruam na pampaaliw, Bilib na talaga ako sayo." 

"Laruan?" sumagot yung lalake. This guy is Kyle.

"Sino pa? Eh di yung tibong Ashley na yun." sabi ni Eunice sabay tawa.

Di ko na narinig na nagsalita ulit si Kyle.

Nakita kong nakakapit sa leeg ni Kyle si Eunice and he suddenly kissed Kyle torridly.

Halos mahati na ang pagkatao ko sa nakikita ko.


Hindi ako makaalis kahit gustong gusto ko nang tumakbo at lamunin na lang ng lupa.

Ang sakit---Ang sakit sakit bakit ganito?


Tumakbo ako pabalik sa kumpol ng maraming tao. Walang tigil sa pagtulo ang luha ko. Wala akong pakialam kahit pinagtitinginan na ako ng mga tao.

Marahas akong umupo sa harapan at nagsalita sa lalakeng nagbibigay ng drinks.


"Give me your best drink. Yung malalasing ako kaagad." sabi ko.

"Are you sure ma'am?" sabi nung bartender.

I buried my face sa mga kamay ko and nodded.

"Okay po ma'am. Saglit lang po.

-----

EUNICE'S POV:

Nang makita kong papunta na sa lugar na kinatatayuan namin si Ashley ay agad kong sinenyasan yung lalakeng binayaran ko para magpanggap na si Kyle.

Pinatayo ko siya in a way na likod niya lang ang makikita ni Ashley. Madilim ang lugar kaya parang nagmumukhang kasing-katawan ni Kyle yung lalake.

Eksaktong lumampas si Ashley sa puno ng niyog ay nagsalita ako.

"Baby, I missed you so much how about don ka sa room ko mamaya?" sabi ko sa napakalanding boses, kung ganito lang din eh may award-winning ako.

Nakita ko kung paano, nabigla si Ashley, Namilog ang mga mata niya kaya lalo akong natuwa. Ha-ha! Akala mo siguro makukuha mo si Kyle sakin? Asa ka pa!

"C'mon baby alam kong kaya ka sumama dito ay para makita ako. Alam kong di mo ako matitiis"

"And one more thing. I might as well say na magaling ka mamili ng laruan ha? Nawala lang ako saglit naghanap ka na kaagad ng laruan na pampaaliw, bilib na talaga ako sayo." sabi ko ulit.

"Laruan?" sagot nung lalakeng binayaran ko. Kaboses rin ni Kyle. Ang galing talaga ng twin brother kong si David. Makahanap ba naman ng lalakeng halos kamukha na ni Kyle.

"Sino pa? Eh di yung tibong Ashley na yun." sabi ko sabay tawa ng pauyam.

Kunapit ako sa leeg nung lalake at hinalikan sya.

At pagtingin ko success--- tumatakbo na palayo si Ashley.

Tumindig ako at tiningnan yung lalake at inabot sa kanya yung pera.

"Okay, tapos na serbisyo mo sa'kin. Get the hell out of my face."



Humarap ako sa dagat at napangisi.

"Tignan natin ngayon Ashley, Uuwi kang luhaan! Makukuha ko rin pabalik sayo si Kyle, Konting panahon na lang."

-----



ASHLEY'S POV

Malakas ang nakabibinging tugtog. Ang daming sumasayaw, some are even making out in front of me Pero ni isa sa mga 'to wala akong pake basta ang alam ko lang nasaktan ako ng sobra.

Nagpakatanga ako.

Nagpakalasing ako for the first time, medyo nahihilo na din ako dahil sa nainom ko kahit di pa naman ganon karami ay feeling ko ang dami ng mga bagay ang nakikita ko.

Ang sakit nun---Ang tanga mo talaga Ashley! Magmamahal kana nga lang bakit si kyle pa?!

Nakinig ka kasi sa puso mo kaya yan ang nangyayari sayo ngayon.

Sobrang sakit.

The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon