Chapter 35

993 23 0
                                    

ASHLEY'S POV

Di parin tumitigil yung puso ko, ang lakas parin ng tibok. Nakaupo lang ako sa dalampasigan ngayon, pinapanood sila Bailey at Vaness na kung makapaglambingan eh pati asin halos langgamin na rin at nandun din si Kyle third party---de jok naliligo sya.

Naliligo? Eh parang nagmukha pa nga siyang nasa photo-shoot o baka shooting kamo. Kasi pag umaahon siya eh nagtitilian yung mga babaeng maharot na nakatingin.

Pero nakakahiya talaga yung kanina.

-Flashback-

"A-ano t-tara ligo na tayo ulit." atubili kong sabi at lumangoy na ako palayo kay Kyle.

Naramdaman ko din na sumunod siya sa'kin.

"Ash punta tayo sa malalim" yaya niya sa akin.

"Gusto mo sa malalim para ano? Lulunurin mo ako? mag-isa ka!"

"Ba't naman kita lulunurin?" tanong ni Kyle sa akin.

"Sus eh ang laki kaya ng galit mo sa'kin, halos mamatay na nga ako kanina nung hinila mo paa ko." nakanguso kong sagot.

"hoy hindi kaya" pagtanggi niya.

"Anong hindi?! Kumag ka kilala kita! Alam kong may maitim kang balak sa'kin at wag ka ng magkaila, balak mo pa talaga akong lunurin ha? Asa ka"

"Oo sa pagmamahal ko." walang kagatol-gatol niyang sabi.

Natulala ako bigla sa narinig ko, tama ba yung narinig ko? What did he say?

"Hoy." pumitik siya sa harapan ko kaya nabalik ako sa wisyo.

"A-ano?---ewan ko sayo!"

"So ano? Lulunurin na ba kita sa pagmamahal ko?" tanong nya habang nakangisi.


"Adik ka talaga!"

"Adik ako sayo." dugtong naman niya.

Namula na ako ng sobra. Daig ko pa ang na sun-burn ng isang bilyong beses.

Narinig ko ang matinis na tawa ni Kyle at bigla niya akong niyakap mula sa likod.

"Ang sarap-sarap mo asarin, alam mo ba yon?" bulong niya sa tenga ko.

"h-ha?"

"Ayan, naasar na yan." sabi ni kyle sabay tawa.

Hindi ako umimik at nakapoker face lang.

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla siyang umihip sa leeg ko.

"Wahhhhgg!" napatalon ako dahil dun at natumba halos makainom na ako ng tubig-dagat.

Tatawa tawang hinila nya ko patayo ni---- Nako! Grrrr ang sarap tirisin ng gwapong damuho na'to.

Hinampas ko siya ng malakas sa inis.

"Walang hiya ka talagang kunag ka! Sabi ko na nga ba't papatayin mo talaga ako!" angil ko.

Ngumisi lang si Kyle at tinalikuran ko siya at akmang lalangoy na ulit ako pero biglang

"A-aray." napahawak ako sa paa ko. Namamanhid.

Kinakabahan na naman ako. Parang yung tulad nung sa isla.

Pero naramdaman kong binuhat ako ni Kyle.


"Ikaw naman kasi, layo ka ng layo sa'kin yan tuloy pinulikat ka."

"Anong kinalaman non?"

He just smiled.


Ibinaba niya ako sa dalampasigan at pumwesto sa may parteng paanan ko.

The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon