Chapter 38

1K 28 0
                                    

"Hmmmmmmm."

Umaga na pala.

Tumagilid ako, nasaan na yung kumag na yon? Wala na siya sa lapag.

Ewan ko ba dun kung ba't biglang nagpumilit na sa lapag na lang daw siya matulog.

Huminga ako ng malalim.

Hindi ba to panaginip lang? Mahal ba talaga ako ni Kyle?

"Mahal kita Ashley, mahal na mahal kita."

"Mahal kita Ashley, mahal na mahal kita."

"Mahal kita Ashley, mahal na mahal kita."

Napangiti na lang ako. Parang ngayon lang ako nagdalaga---shet ang laswa pakinggan.

Biglang bumukas yung pinto at naabutan ako ni Kyle na nakangiti na parang ewan.

"Ehem pinagpapantasyahan mo ba'ko mahal na prinsesa?"

Sinimangutan ko na lang siya.

"ASA!"

"Suplada naman, Flowers for you." inabutan niya ako ng isang dosenang red roses.

"Para saan naman to? Patay naba ako at kailangang alayan mo ako ng bulaklak?" tanong ko.

"Eto naman. Ang taray, ang aga pa. Di ba halata?"

"Halatang ano?"

"Nanliligaw po ako inag." sagot nya habang nakangiti.

"Mukha ka nanamang kamatis pero maganda ka parin."

"Kainis ka! Paano ako naging maganda eh kakagising ko palang at syaka mukha akong aswang." inis kong sabi.

Lumapit siya sa'kin at lumuhod.

"Kahit may muta ka pa o panis na laway, kahit ano pang mangyari o gawin mo maganda ka parin at mahal na mahal pa din kita, walang magbabago dun."

Hinila niya ang kamay ko at itinayo ako.

"Tara kain na tayo."

WAHHHHHH KINIKILIG AKOOO!!!

----

Pagdating namin sa resto, nakita namin na nandoon na sila Vaness at Bailey, Tinitigan ko si Bailey and it seems like na si Vaness lang ang nakikita niya, nakakapanibago lang since nung una ko palang pasok sa school namin eh balitang balita na ang pagka-babaero niya tapos ngayon?

Kaya nga nahila kami dito para bantayan sila diba?

Kaya nga lang imbis na bantayan ko sila eh mukhang puso ko pa ang dapat kong bantayan lalo na ngayon at alam na ni Kyle ang nararamdaman ko.

"Goodmorning" bati ni Kyle sa dalawa.

"mukang maganda ata ang gising mo bro." makahulugang sabi ni Bailey.

"May nangyari ba Ashley ha?" tanong naman ni Vaness habang nakangiti ng makahulugan.

"W-wala ha" pagkakaila ko with matching pokerface.

Pinaghila ako ng upuan ni Kyle at iginiya ako paupo.

Pagtingin ko kina Vaness at Bailey ay nakangisi ng nakakaloko ang mga abnormal. Ipasalvage ko kaya sila?

"Talaga lang ha? Baka mamaya, malaman naming nagkakaigihan na talaga kayo." pang aasar na sabi ni Vaness.

Biglang huminga ng malalim si Kyle kaya napatingin ako sa kanya.

"Well, I believe na dapat nyo ng malaman."

Nagkatinginan bigla sila Vaness at Bailey.

"Anong malaman?" sabay nilang tanong.

The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon