-Flashback-
"Mom labas po muna ako, pupunta po ako kila Kolas" paalam ko kay Mommy.
Im Kyle Yuriko, 15 yrs of age and Im highschool, My parents own famous companies and they give me all what I need, they provide me with all material things kaya halos lahat ang nagsasabi na sobrang swerte ko daw pero di ko ramdam yun, masyado silang busy sa kanya-kanya nilang buhay.
I grew up with 4 friends and a cousin.
Si Zeo ang pinakamaginoo sa amin, tahimik rin siya kaya minsan napagkakamalang wala dahil madalang lang magsalita.
Si Ichi ang pinakamadaldal at maingay. Kahit saang kanto mo yan ilagay, may makakausap yan.
Si Kolas, ang isa sa mga bestfriends kong mahilig maglaro ng basketball. MVP na nga kahit 15 pa lang kami.
Si Ford ang pinakamahilig mamingwit sa ilog ng karimlan--- I mean, masyadong lapitin ng babae, maharot.
At si Bailey ang pinsan kong chickboy, halos araw-araw kung magpalit ng girlfriend pero magkasundo kami, di dahil babaero rin ako pero dahil pareho kami ng kalagayan. Parehong workaholic ang parents namin, kaya kalimitan naiiwan kami sa pangangalaga ng mga yaya namin.
Sabado ngayon at malamig ang panahon pero gusto kong pumunta kina Kolas--- makikipaglaro ako ng basketball oh di kaya, tutunganga na lang sa kanila pero di hamak naman na mas boring sa bahay kesa kila kolas.
Naglalakad na ako sa malapad na kalsada ng subddivision at malapit lang naman yun kila Kolas kaya di na ako nagpahatid.
Malapit na ako sa bahay nina Kolas ng biglang may nakita akong batang babaeng nakaupo sa gilid ng kalsada at nakalugay ang mahaba at medyo kulot na buhok---may bangs din sya na cute tignan at nakatitig sa kalsada.
Tinignan ko ng maigi yung bata. Parang sobrang lalim ng iniisip
Tapos nakita kong yumuko siya at ipinatong ang ulo sa dalawa niyang tuhod at nakita kong marahang yumuyugyog ang balikat niya kaya nagtaka ako.
Imbis na dumeretso ako kila Kolas ay naglakad ako papunta sa kinauupuan niya.
"Bata, umiiyak ka ba?" tanong ko.
Hindi siya sumagot. Sa halip umiba siya ng posisyon. Nakatalikod na siya ngayon sa akin at marahang humihikbi.
"Wag ka ng umiyak. May solusyon yang problema mo."
Ni hindi niya ako tinapunan ng tingin. Nanatili lang siyang nakayuko na parang walang kausap.
"Kung makakagaan ng loob mo, pwede mong sabihin sa akin ang problema mo." marahan kong sabi.
She just shook her head without looking at me.
"Kung ganon aalis na lang ako, kaya mo yan." sabi ko sabay talikod.
Pumunta na ako kila Kolaa pero nasa utak ko pa din kung aalis ba ako o sasamahan ko yung batang babae, gumagabi na rin kasi.
Nasa kwarto kami ngayon ni Kolas at naglalaro ng playstation.
Unti-unting narinig ko ang patak ng ulan, lumalakas na siya.
Napatingala ako sa kisame at napabuntung-hininga.
"Nandun pa kaya yun sa daan?" salita ko.
Litong lumingon sa akin si Kolas ag kinaltukan ako pero di naman gaano kasakit.
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Nalilipasan ka ba ng gutom?"
"No." tipid kong sagot.
Biglang binundol ng kaba ang dibdib ko at tumayo ako at nagtungo sa pintuan.
BINABASA MO ANG
The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)
Teen FictionKyle Yuriko--one thing he wants in this world is only her, the girl he loves since their childhoods but the quarrel of love is always around, even though he's being pushed by someone he loved he'll do anything just to make it fall inlove with him an...