Chapter 12

1.5K 35 3
                                    



Hindi na siya nagsalita pa hanggang sa makarating kami sa mall. Ayaw ko namang ako ang maunang magsalita, ano?ako na lang ba laging mag aadjust?

Pero yung totoo feeling ko bingi nako ngayon.

Nakakabingi kaya yung katahimikan sa loob ng kotse niya.

Todo na nga yung kakasign of the cross ko dito para lang makarating na agad sa mall.


And thanks god mukhang dininig naman ang dasal ko, andito na kami ngayon malapit sa Mall. Pagkapark na pagkapark niya sa kotse niya. Bumaba agad ako. At tumingin ng diretso sa kanya nang nakapameywang.


"What now?"


"Anong what now?"


"You told me, I have to spend the whole day with you. okay, now we're here. Don't tell me tutunganga nalang ako dito?"


Kung wala naman pala akong mapapala kasama siya, kay Vaness nalang ako magpapasama tutal andito rin siya kasi I texted her kanina nung nasa car pa kami.


Wait speaking of vaness---Patay, paano na si vaness? Bwiset kasi tong unggoy na to eh.

kailangan kong samahan to bwiset.



"arghhh!"

"What?" tanong naman ni kyle.


"Si Vaness nga pala. May usapan kami ngayon. Magtatampo yun pag hindi ko siya sinipot. Ako pa naman nagyaya." litanya ko. Yesss makakaligtas ako. Ang galing galing ko talaga. Minsan pala may silbi din yang pag aaya ko kay vaness myloves.

"So she's here? san ba siya banda ngayon nag-aantay?"


Teka, nasan nga ba?


Itetext ko na sana siya ng biglang nagvibrate yung phone ko.




Napatingin ako sa phone ko at dali dali ko itong kinuha---- It's Vaness.


" Ash ash nasan kana? Dito ako sa Chowking. punta ka na dito."





"Nasa Chowking daw siya." taranta ko namang sagot.

"Okay, gagawan ko ng paraan yan. She can't come with you kasi kasama kita."

"Eh ano naman kung kasama kita?"


"Basta. Hindi pwede, got it?"


"Wow! Boss, ikaw ba yan?" pang-iinis ko nman sa kanya. Actually, ako na nga ang naiinis.


May kinulikat lang siya sa phone niya then he called someone pero 'di ko na masyado marinig usapan nila.

Pagtapos nyang kausapin yung nasa phone nya ay ngumiti s'ya sakin ng nakakaloko---ohh geez rarapepin nya ba ako?

"Okay na. Di ka na kailangan dun. May kasama na si vaness."


"What? Kasama? Hoy! Pag may nangyaring masama kay vaness, ipapasalvage kita!" reklamo ko sa kanya.

"You're bestfriend will be okay." he smiled.


"Baka nga bukas pag nagkita kami, magpapasalamat pa yun sa'kin." he said while grinning.


Sus asa! Ano ba kasi ginawa nitong kumag na to? Baka mapano si vaness. Tatanga tanga pa naman yun.



VANESSA'S  POV

"Nasan na ba yung babaeng yon?"

Kanina pa ako dito ni hindi naman ako pinag-aantay nun.

Maitext na nga.

To asho yan yan

"Nasan kana? Dito ako sa Chowking. punta ka na dito."







tapos sinend ko. Malamang diba alangang diko isend.

Bwiset Mukhang walang planong magreply. Ano may lahi na ba syang indian para indyanin ako?

Saktan ko to pag nakita ko tong babaeng to.

Habang hinihintay ko sya ay nagbasa nalang ako ng story sa phone ko.

Kinikilig na ako dito.

Napatigil ako sa pagbabasa ng biglang may nakita akong tumigil sa may harapan ng table ko.


"Let's go?"


Hindi ko pinansin, baka naman hindi ako ang kausap. Heller, ni dulo ng buhok nitong taong to, di ko kilala pero In fairness, gwapo siya


After a while, natapos ko ng basahin yung story. Ngingiti-ngiti pa nga ako sa kilig eh. Pagharap ko, nakatayo parin yung lalake sa harap ng table ko.


"Tapos ka na. tara na?" sabi niya. Teka, sa akin nakatingin eh. Ako ba kausap nito?

Napaturo ako sa sarili ko sabay sabing,


"Teka, ako ba kausap mo?"

"Malamang, alangang sa table? sayo ako nakatingin diba?"

"Aba't pilosopo to ah!"

"Tara na" Di na niya ako inantay na maiprocess pa kung bakit niya ako kinakausap. Hinila nya na agad yung wrist ko at inalalayan ako patayo.

"Wait, san tayo pupunta? And who are you?"

"Kahit saan. San mo ba gusto?" parang walang interest na sagot naman nya.

"Ano?"

"Sabi ko, kahit saan na gusto mo. Sabi kasi ng pinsan ko, aliwin daw kita."



"Pinsan? Aliwin ako?"



"Okay okay. Nakakahilo ka na magtanong tss." reklamo niya.


" eh nakakahilo ka kaya sumagot!"

" Fine. I'm Bailey. Bailey Yuriko "

Wait, Yuriko? Parang familiar ata.

"Pinsan ko si kyle. Sabi niya di daw makakapunta si sino ba yun?"

"Si Ashley" sagot ko naman.


" Tama. kasi magkasama sila ngayon. Kaya I came here para maging kapalit ni Ashley----galing mo ha nakilala mo agad si Ashley." Dagdag naman niya.



"Malamang naman manong, kaibigan ko yun eh." sumimangot nalang ako.



"Hmmm, magaling ka pa rin." nagkibit-balikat pa ang mokong na gwapo----


"So you mean magka-"


"Definitely yes. Kaya Tama na yung kakatanong mo. Tara na." hinila na niya ako sa kung saan.


woah! Mukang may lovelife na si asho yanyan hihihi

This must be loveeee tralalalala!!!


The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon