Chapter 13

1.4K 39 2
                                    


KYLE'S POV

Salamat sa pinsan kong gwapo at masosolo ko ngayon si Ashley pero mas gwapo ako dun.

Nag-ikot lang kami sa mall---bili dito, bili doon shit grabeng babae kung makapagshopping akala mo wala ng bukas, ewan ko lang kung saan niya isusuot lahat ng damit na binili niya.


Nakasunod lang ako sa kanya. Mukha na nga akong alalay dito pero imposible namang pagkamalan akong alalay sa gwapo kong 'to.




"Ashu"



Hindi siya sumagot.



"Ashu" sinundot ko siya sa tagiliran.



Napaigtad siya at mabilis na humarap sa akin habang magkasalubong ang kilay.

"Pwede ba, hindi ashu ang pangalan ko. Okay?"



"Ashu"


"Hindi nga eh. "



"Ashu gusto ko eh" I pouted.


"Whatever." tumalikod na ulit siya.

"Bakit Babaeng-babae ka tignan pag sa labas ng school. Pero bakit pag nasa loob---"



Humarap siya sa akin. Blangko lang ang expression.



"Kasi, ayaw kong magsuot ng damit na pati kaluluwa labas na nakakawala ng dignidad" sabi niya sabay talikod.


Napangiti na lang ako sa sagot nya---that's the one reason why I like or I must say I love her.




ASHLEY'S POV

Kanina pa niya ako kinukulit. Ayaw ko siya pansinin kasi pag ginawa ko yun, bumibilis tibok ng puso ko. Di ko alam kung bakit---ay boba kailangan ko na talaga sigurong magpacheck up. Mukhang may sakit na ako sa puso lagi na lang ganito.


"Bakit Babaeng-babae ka tignan pag sa labas ng school. Pero bakit pag nasa loob"




Humarap ako sa kanya. Blangko lang ang expression syempre kunyare masunget.

"Kasi, ayaw kong magsuot ng damit na pati kaluluwa labas na nakakawala ng dignidad" sabi ko sabay talikod.

sana wag na niya ako bigla biglang kalabitin. Kinakabahan ako eh.


Tutal naman gusto kong makaganti. Nagshopping grande ako, tapos pinabitbit ko sa kanya mga binili ko. Ha! Kala niya maiisahan niya ako. ASA!



Pumasok ako sa Penshoppe. Tapos dumiretso sa mga damit. Tinitignan ko lang. Lumapit samin yung saleslady.

"Ma'am, feeling ko bagay to sa inyo." sabi niya sabay pakita nung dalawang ladies shirt. Color Pink yung isa tapos light blue yung isa.



Maganda nga. Pero, pareho lang ang design, isa nalang siguro bibilhin ko.



"Tingin mo, anong mas maganda?" tanong ko sa saleslady.



Imbes sagutin ako, humarap siya kay abnoy tapos tinanong siya.

"Para sa inyo sir, ano po ba mas bagay para sa girlfriend niyo?"


"Excuse me miss, but I'm not his---"

"Para sa girlfriend ko ba?" sapaw naman ni abnoy. Bwiset! Napagkamalan kami! Lugi ako.





"Anong color po ba maganda?"



"Wala. May transparent ba kayo? Gusto ko yun para sa girlfriend ko "



TRANSPARENT?



Hinampas ko siya.


"Adik ka bang hinayupak ka?! Transparent mo mukha mo!"

"Ang cute niyo naman po mag-away. May mga couple shirt din po kami rito. Baka gusto niyo po, ang cute niyo pong couple"



Tatanggi pa sana ako. Kaya lang,



"Sure. Im going to buy that"


Kaya ayun, bumili yung damuhong abnoy ng isang pair. Kinukulit niya akong suotin daw namin. Todo tanggi naman ako. Lord, nakakahiya na to.




"Ma'am, Sir. Mukhang natuwa po ang manager namin sa inyo. Kaya kayo po ang pinili na couple of the day. Pakisuot nalang po yung couple shirt niyo tapos pipicturan ko po kayo para sa tarpouline for this day."



What?



"Hindi, wag na. Iba nalang piliin niyo."

"Killjoy naman tsss"



"tigilan mo nga akong abnoy ka"



"Bakit? diba ikaw naman unang nangtawag sakin ng hon?" Nang aasar na singit nya potek----sa pagkakaalam ko siya yung unang nangtawag ng hon sakin eh!


"Shut up!"


"Dali na, picture lang naman aarte pa" Hinila niya ako bigla tapos tinulak ng marahan papunta sa fitting room.



Wala na akong choice. Nagchi-cheer na ang ibang costumers kadiri huhu.




Paglabas ko, nakita kong nakabihis na rin siya.


Pinicturan kami. Iba ibang pose. Naaasiwa na nga ako kasi ang lapit namin sa isa't-isa.



"okay, last pose na po. 1-2-3!"



Na-shock ako. Inakbayan niya ako then nagsalita ng mahina.



"I love you "




Hindi ko masyadong narinig. Oh baka, mali lang dinig ko. Napalingon ako bigla. Bago pa ako makapagtanong, sinalubong niya agad ako ng halik sa pisngi.

Ahhh virus.


This is so unbelievable!!!

Kadiri na to.



The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon