Chapter 17

1.3K 38 0
                                    

Matamlay akong pumasok kinabukasan.

Pumasok ako sa unang klase namin ng parang wala lang. Nagbasa lang ako habang inaantay si prof.



Nang biglang umingay ang girls sa room. I know, it's him.



I felt him sit right next to me. Pero iba ngayon. Noon, kinakausap niya ako, everytime na darating siya. Kinukulit niya ako. But now, umupo lang sya dyan na parang hindi niya ako kilala. Di niya ako binati ni konting tingin ay di niya ako tinapunan---ahhckkk ano ba 'to?

N
aninibago ako. Napatingin nalang ako sa mesa ko feel ko kasi mababaliw na ako ng dahil sa damuhong to.




Hi mesa. Kausapin moko.









Ganon lang ako hanggang sa dumating si Prof.






"Ok, class. Group yourself into two."


Kanya-kanyang hanap ng pair ang mga classmates ko. Samantalang ako, nakatingin parin sa mesa.



"Ok, sino ang walang pair?"





Napakurap-kurap ako. Then I raised my hand. Paglingon ko, naka-hands up din siya.




"Ok, Mr. Yuriko and Ms. Preydez kayo na ang magkapartner."




Tumingin ako sa kanya. Pero blangko pa din yung expression niya. Di man lang ako tinignan napakabad.





Lalo tuloy sumasama loob ko.



Nang matapos na ang klase, nagsilabasan na ang ibang estudyante. Kaya ang ending Naiwan kaming dalawa.





This is my chance!


"k-kyle"



Tinignan niya ako. Yes! mukhang kakausapin na ako nito.



"Miss, pakiabot nung libro na nasa bintana."



Napakurap-kurap ako. What did he call me?



di ako nakagalaw sa sobrang shock.



"Sige, wag na. Ako nalang." nilampasan niya ako then kinuha yung libro. After that, lumabas na siya.


Naiwan ako dun. Tulala. Mukhang galit nga talaga siya sa akin huhu. Sobrang galit na ginusto niyang kalimutan ako. Ang sama nya bwiset nakakainis! Napakasensitive nya naman pala. Parang yun lang naman nagalit na sya hmp!








Lumabas na lang ako ng room at nagtungo sa garden. Naiinis na naupo ako sa damuhan tapos ipinatong ang ulo ko sa mga binti ko. Di ko alam kung bakit nasasaktan ako ngayon.

Kung bakit parang ayaw tanggapin ng sistema ko na galit na galit sa akin
si Kyle---owemgiee this can't be Ashley! Imposible naman siguro na--- na ano yung ano ako? Ahhhckkk Basta yung ano.




"Eto oh."

Napaangat ang ulo ko mula sa pagkakasubsob sa tuhod ko.



"Wag ka ng umiyak."


Umiiyak ba ako? Dun ko lang narealize na tumutulo na pala ng mga luha ko.


"Gamitin mo yan, malinis yan wag ka mag-alala."




"Salamat" inabot ko ang panyo at pinilit na ngumiti.




"Walang anuman. Wag ka mag-alala, hindi ka matitiis nun." sabi ng mabait na lalake. Ngayon ko lang din siya nakita dito sa campus. Di familiar yung mukha nya.



"Anong ibig mong sabihin?"


Ngumiti lang siya at naglakad palayo.



"Teka lang"


Tawag ko sa kanya pero hindi na siya lumingon. Hanggang nawala na siya sa paningin ko.


Napatingin ako sa panyo.



"salamat sa mabait na nilalang na iyon."





KYLE'S POV

Inaamin ko, matagal talaga akong naghintay sa kanya sa labas ng bahay .


Halos tatlong oras din. Pero di ko yun alintana. Kasi iniisip ko, babalik si Ashley para sabihing, sorry pinaghintay kita.
Pero di kita nakalimutan.




Pero nasaktan talaga ako nang nalaman kong nakalimutan niya talagang magkasama kami. Kung di siguro niya naalala, maiiwan akong nakatayo dun sa labas hanggang sa ewan ko kung gaano katagal.


Kaya ayun, nag walk-out ako.




Nababakla na ata ko putek.




Kinabukasan pinilit kong di siya pansinin. Kahit gustung-gusto ko na siyang lingunin, kausapin at kulitin.

Syempre Pinigilan ko sarili ko. Nagbabakasakali akong baka pag di ko siya pinansin, marealize niya halaga ko diba? Sa gwapo kong to di nya pa makita halaga ka? 

Nung nasa room kami, sinubukan niya akong kausapin.



"K-kyle"



Tinignan ko lang siya






"Miss, pakiabot nung libro na nasa bintana."



Nakita ko kung paano siya nabigla. Actually, nag-eemote lang ako ahahhahaa ang cute nyang mashock.







Paglabas ko, siniguro kong masusundan ko siya. Nakita kong pumunta si Ashley sa may garden tapos umupo dun.

Pinagmamasdan ko lang siya.

gusto ko na siya lapitan pero nakita kong may lalakeng lumapit sa kanya at inabutan siya ng panyo. Tinanggap naman nya yun? Kainis. Di man lang nag alangan.



Wtf men natatapakat ata pagkalalaki ko!



Tumalikod na ako. This time, totoo na. Nasasaktan na ako.





Inis akong napasuntok sa pader, diko maintindihan nagagalit ako na naiinis.



"Damn! I've never been like this! Ngayon lang."







The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon