Chapter 34

998 31 0
                                    

"Ashley?"

Napatigil kami sa pagbabangayan ni Kyle ng marinig ko yung boses ni Vaness, daig ko pa ang ipinako sa kinatatayuan ko.

Slow motion akong napalingon at bonsai! Si Vaness nga ang nakatayo sa likod ko habang nakakunot ang noo. Nasa tabi niya si Bailey at nakangiti.

"H-hi Vaess." mahina kong sabi.

"Anong ginagawa mo dito?-----I mean anong ginagawa NIYO dito?" diing sabi ni Vaness.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

"Nagbabakasyon din ba kayo together?" sapaw ni Bailey.

Tama! I can use that as an excuse!

"Ahhh oo" nauutal kong sabi sabay hila kay Kyle at kumapit ako sa braso niya at tinignan siya, nakita kong napakunot Naman ang noo ni Kyle.

"Diba Kyle? Nagbobonding lang kami, you know---malapit na matapos ang break from school kaya nilubos lubos na namin, Am I right Kyle?" kinurot ko ang braso ni Kyle at tinignan siya ng matalim dahilan para mapaigtad siya.

"Yep! That's right." Agad na sabi nya. Kumawala siya sa pagkakahawak ko at hinawakan ako ng mahigpit sa bewang.

Kaya nanindig bigla yung balahibo ko Huaaaaa yung lakas puso ko ang lakas nanaman ng tibok.

"AH ganun ba? Akalain mo nga naman. Pareho pa talaga tayo ng napiling resort." sabi ni Vaness.

"Coincidence, I guess." pagkakaila ko naman. 

Abot abot ang dasal ko na di na sana magtanong pa si Vaness dahil baka malagutan ng ako ng hininga sa kakasinungaling ko.

"Okay, let's drop that. Since andito na rin lang kayo insan, why don't you join us. Mag-i-island hoping at swimming kami mamaya, diba love?" sabat ni Bailey.

Tumango naman agad si Vaness----mukhang okay lang si Vaness kasama si Kylw. Actually, blooming nga siya ngayon. Don't tell me, naging stick-to-one na si Bailey? Magpapa-party ako sa Bermuda Triangle pag nangyari yon.


"What do you think?" si Bailey ulit.

Tatanggi na sana ako ng biglang magsalita si Kyle.

"Game"

Napahawak na lang ako sa sentido ko. Ano na naman tong napasok namin ni Kyle nababaliw na'ko!

---

"Ashley!!" tawag ni Vaness sa'kin. Kakalabas ko lang galing sa cottage.

Nasa dalampasigan sila ngayon. Naka- shorts si Bailey at Kyle with flower prints. Summer na summer ang feeling ng mga damuho!

Si Vaness naman ang hot sa suot niyang one piece swimsuit, kahit kailan talaga pag ganitong nasa beach kami agaw-pansin talaga si Vaness daig pa ang supermodel sa kagandahan ng katawan.

Nagpunta na ako sa dalampasigan.

"Okay! Swimming na tayo!" energetic kong sigaw. Para akong nakalunok ng speaker sa lakas ng boses ko.

Nagtaka ako ng sa halip na makisaya at makisakay sa pagka-energetic ko ay lumingon ang lahat ng nasa dalampasigan sa akin. Some even looked at me from head to foot.

Napatigil ako. Bakit? May dumi ba ako sa mukha? May demonyo ba sa likod ko? Nasa likod ko ba si Pennywise?!

"Look at her baka mamaya niyan mag pajama na yan habang naliligo or baka nga magsuot pa yan ng kumpletong pantulog." narinig kong sabi nung naka two-piece na babaeng mukhang paa habang tumatawa.

The Boy who Stoled my Heart (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon