---
---
Dear Diary,
Graduation day. It's our last day as a 4th year high school student. I should be happy, but why I felt sad today?
Siguro dahil ay magkakahiwa hiwalay na kami ng mga kaibigan ko. At ito narin ang totoong simula ng buhay. Hindi yung puro happy happy lang. Sabi nila, college is like a hell. Unlike high school na kahit hindi ka mag seryoso ay makakapasa ka.
Honestly, Im not yet ready for my college life. I don't have any plans yet. Hindi ko pa rin naman kase alam ang gusto ko. At sa totoo lang? Natatakot ako.
Hindi ko alam kung ano ang ikinatatakot ko. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko eh. Maybe my mom's right. Sabi nya dapat may plano na ako sa darating na bagong yugto ng buhay ko hanggat maaga palang. Para maging handa ako at hindi na ako mahirapan pa.
Dapat nga siguro sa una palang ay pinagplanuhan ko na to. Hindi ko tuloy alam kung ano ang dapat kong gawin ngayon. Kanina nga ay tinanong ako ni mama.
"Anong plano mo? Saan mo balak mag college?" Tanong nya.
"Ewan ko pa."
Iyan na lang ang nasagot ko.
Totoo naman kasing hindi ko pa alam. Kung ano ano pa ang dinaldal nya sa akin pero hindi ko na pinakinggan pa. Nakakatamad naman kasi pakinggan ang mga sermon at pangaral ni mama. Wala naman akong pake. Marami pa namang taon ang darating eh.
Ayun. Tapos ang araw na ito na puro iyakan naming magkakaklase. At pati na rin duet na sermon nina mama at papa. Nakakarindi.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie