---
Dear Diary,
Dinalaw namin yung pamilya ng nagmamay-ari ng mga mata ko ngayon upang mag pasalamat ng personal. Sobrang laki ng utang loob namin sa kanila.
Nag bonding narin kaming buong pamilya. Nag sorry na rin ako sa kanilang lahat dahil sa mga nagawa kong kasalanan. Mahal na mahal ko sila. Pinapangako ko na hindi ko sasayangin ang pangalawang pagkakataong ibinigay saakin.
Isa na ako sa pinakaswerteng tao sa mundong ito. Malaki ang pag kakamali ko pero eto ako. Masaya kasama ang pamilya ko. Medyo late ko nga lang narealize kung gaano ako kaswerte pero sisiguraduhin ko na gagawin ko na kung ano ang tama. Babawi ako! Itatama ko na lahat ng mga naging pagkakamali ko.
Hanggang dito nalang, Diary. Magsasaya pa kami ng pamilya ko. :D
Ito na ang huli kong sulat sayo, Diary. Maraming salamat dahil nandyan ka upang paglabasan ko nang bawat hinanakit ko. Wag ka mag alala dahil hindi kita itatapon. Itatabi kita dahil ikaw ang patunay na sa bawat pagsubok ng buhay ay atin itong malalampasan.
Hanggang sa muli, Diary.
—Amarie
***
-END-
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie