Entry #6

3 0 0
                                    

---

Dear Diary,

First time kong magsusulat ng masayang pangyayari kaya sana ay makinig ka. Teka! Nakakarinig ka ba? Hala. Ito ba ang epekto ng nangyari ngayong araw kaya pati tong diary ay kinakausap ko na.

Pero ito na nga, yung katrabaho kong si Andrei? Inamin nya sa akin may gusto sya sa akin. Nung sinabi nya yun? Feeling ko ay sobrang init ng mga pisngi ko, pati pag tibok ng puso ko ang bilis bilis.

This is my first time to be this happy after a guy confessed his feelings to me. Nung high school ako ay hindi ko pa iniisip ang mga love love na yan. Kaya hindi pa ako nag aaccept ng mga suitors nun.

Ganito pala yung feeling no? Ang sarap sa pakiramdam. Alam mo bang natameme ako kanina? Hindi ko alam yung sasabihin ko. Inaamin kong crush ko rin naman sya pero kase... Basta! Nahihiya ako.

Kaya ayun, nag walk out nalang ako. Antanga ko diary no? Pano kung isipin nya na ayaw ko sa kanya dahil sa ginawa ko? Pero kung talagang gusto nya ako, dapat ay panindigan nya.

Kahit na ganun yung naging reaction ko sa kanya, masaya parin ako. Kinakausap pa rin naman nya ako tapos sweet parin sya. Pero hindi nya na uli binuksan yung topic about dun sa feelings nya para saakin. Pano kung hindi nya na ipagpatuloy yung nararamdaman nya para sakin?

Ano sa tingin mo? Dapat ba aminin ko na sa kanya na crush ko rin sya? Kaso, kinakabahan talaga ako eh! First time ko to eh. Pero wala namang mangyayari kung susubukan ko diba? Fine! I'll confess my feelings for him tomorrow. Bahala kung anong mangyari. Pero sana ay kayanin ko at hindi ako dagain. Basta. Kaya ko to. Aja!

Wish me luck, diary!


—Amarie

Painful Reality; Diary of a regretful girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon