---
Dear Diary,Umiyak sakin si mama. Ano daw bang ginagawa ko sa sarili ko. Nagpapakamatay daw ba ako?
Ilang araw na kase akong walang ganang kumain. Tuwing gabi pag uwi galing trabaho ay nagkukulong agad ako sa kwarto ko. Di na ako nag aabala kumain pa. Minsan sa trabaho nalang ako kumain. Bale, madalas isang beses lang ako kumain sa isang araw. Baka nga nagpapakamatay ako. HAHA.
Ayoko kong makitang umiiyak si mama pero ayokong ipakita na may pake ako. Saka diba wala naman syang pake? Bat sya nagpapanggap na may pakialam sya ngayon.
Pinilit nya akong kumain kanina pero tanging "Wala akong gana" lang ang naisagot ko kanina. Lumabas sya ng kwarto ko na umiiyak. Di ko na napigilan naiyak na rin ako.
Tama na muna to. Bukas nalang uli diary. Malay mo masaya na ang maikwento ko sayo.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie