Entry #15

2 0 0
                                    

---

Dear Diary,

Hi Diary! Namiss ko ang mag sulat sayo. Halos 3 months akong di nakapag sulat sayo. Grabe no? Sa tatlong buwan, wala manlang nangyaring maganda.

Well, masaya naman ako ngayong araw. Last day ko sa trabaho. Di kasi ako na regular marami akong absent saka late eh. Hehe. Yun nga, last day ko. Nilibre ako ng mga kawork ko. Nagluto sila ng kung ano ano tapos may pa-videoke pa! Parang birthday ko lang tuloy.

Ang saya ko na nun. Ang babaw ng kaligayahan ko no? Ganun siguro talaga kapag uhaw na uhaw ka ng sumaya. Kaya pati mga simpleng bagay na normal namang nararanasan ng mga tao ay napapasaya kana.

Hindi na rin pala ako umiiyak tuwing gabi! Nasanay na rin ata kase ako sa sakit. Yun nalang muna.



—Amarie

Painful Reality; Diary of a regretful girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon