---
Dear Diary,
Buong araw akong nakatutok sa cellphone ko. Sobrang labo na nga ng mata ko eh, tapos medyo humahapdi rin. Madalas nga parang maiiyak ako sa hapdi.
Di ko sinasabi kila mama. Baka wala rin naman silang pakialam eh. Wala na rin naman akong pakialam sa sarili ko. Tanggap ko na kung ano man ang mangyari sa akin. Kahit mabulag ako wala na rin akong pake.
Nanghingi nga pala ng tulong si mama sakin kanina sa trabaho nya. Pero tumanggi ako. Halos nagmakaawa na sya kanina dahil para sa amin rin naman yun pero pinakita ko lang na wala akong pake. Ang sama ko ba? Pero ganun rin naman sila saakin. Buong buhay ko nga di nila pinakita na wala silang pakialam.
Bumalik nanaman ako sa pag iyak tuwing gabi. Naiiyak ako para sa sarili ko. Deserve ko rin siguro to. Ang sama ko.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie