---
Dear Diary,
Nag hanap ako ng trabaho ngayon. Nag-apply ako sa isang mall dito sa amin. Luckily, nakapasa naman ako sa interview. Requirements nalang ang kakailanganin. Sobrang tuwa ko nun. Unang subok ko palang pero nakapasa agad ako. Sana ay mag tuloy tuloy na.
Nag decide na akong mag hanap nalang ng trabaho kesa umasa sa mga magulang ko. Kahit noon pa naman ay ayaw ko na nanghihingi sa kanila. Kapag kase nanghihingi ka, andami pa nilang sinasabi. Miski yung mga projects at bayarin sa school nun?
Minsan nga hindi nalang ako nagawa ng project eh. Ayoko na ng maraming sabi sabi pa. Kung magbibigay sila, edi thanks. Kung hindi naman, okay lang. Nakakatuwa nga dahil nakapasa parin ako. Well, matalino naman ako. Tamad nga lang minsan. Oh! Inamin ko na ah? Masama raw kase ang mag sinungaling sa diary.
May tanong ako, bakit ang unfair ng buhay? Bakit yung iba masaya, nakukuha ang gusto nila at may masaya at supportive na pamilya? Hindi ba pwedeng pantay pantay lang.
Siguro kung papapiliin ako kung ganitong buhay o panibagong buhay? Mas pipiliin ko nalang yung panibago. Ayoko nitong buhay ko.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Cerita Pendek"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie