Entry #3

2 0 0
                                    


---

Dear Diary,

Nadatnan ko kanina si mama na umiiyak kanina pagkagising ko. Naawa ako sa kanya pero di ko sya malapitan. Hindi naman kase ako showy. Nahihiya akong ipakita ang totoong nararamdaman ko. Tingin ko rin naman ay wala rin kwenta kung malaman pa nila. Kaya mabuting sarilinin ko nalang.


Kaya pala umiiyak si mama ay dahil natanggal si papa sa trabaho. Eh wala rin namang trabaho si mama kaya namomroblema sila ngayon.

Apat kaming magkakapatid. Pangalawa ako sa panganay. Yung dalawang nakababata kong kapatid ay nag aaral pa. Yung ate ko naman? Nagtatrabaho na dahil may sariling pamilya na. Pero dito parin sila nakatira sa bahay.

Nagtataka nga ako. Bakit ako pinipilit nila akong mag-aral? Tapos kay ate, yung nakakatanda kong kapatid ay okay lang? Wala naman silang sinabi sa kanya. Nalaman na nga lang namin isang araw na buntis na si ate pero wala silang ginawa.

"Nandyan na yan. Wala na tayong magagawa."

Yan lang ang tanging nasabi nila. Pati nga yung kinakasamang lalaki ni ate dito pa sa bahay nakatira pero wala silang tutol.

Naisip ko tuloy na may favoritism sila.  Bakit ganun sila no? Hindi ba pwedeng maging fair naman sila?



"Dapat nakinig kana samin noon pa, anak. Dapat ay nag-aral ka na. Ngayon wala na tayong pera para sa pag-aaral mo."

Biglang sabi ni mama sa akin. Nainis ako sa sinabi nya. Kasalanan ko ba na ayoko pang mag-aral? Ayoko namang gawin ang di ko naman gusto. Atsaka parang sinisisi nya ako kaya di na ako makakapag-aral. Kapag ba nag-aral ako, hindi ba matatanggal sa trabaho si papa?

Gusto ko syang sagutin nung mga oras na yun. Pero may pag galang parin naman ako sa kanya kahit papaano. Kaya gaya nalang ng nakagawian, di ko nalang ulit sya pinansin.

Nakakasawa. Paulit ulit nalang tong kinukwento ko. Puro sermon at pangaral nanaman. Ako lang ba ang nakikita nila? Im really tired of this life.



—Amarie



Painful Reality; Diary of a regretful girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon