---
Dear Diary,
Nabasa ko ang mga sinulat ni mama sayo, Diary. Naiiyak tuloy ako. Ang swerte ko dahil meron akong napakabuting ina. Ang tanga ko lang dahil di ko nakita yun noon palang. Mas inuna ko ang magtanim ng galit. Ang mga nakikita ko lang palagi ay yung tingin ko ay mali. Nagbubulag bulagan lang ako sa mga pag hihirap at sakripisyo nila para saakin. Im so selfish! Sarili ko lang iniintindi ko.
Una palang naman ay kapakanan ko na ang iniisip nila eh. Yung mga sermon at pangaral nila? Para saamin, saakin rin naman yun eh. Ang tanga ko dahil ngayon ko lang iyon na realize. Iniisip ko na hindi nila ako mahal, na wala silang pake pero ako naman talaga ang may kasalan. Ako mismo ang naglayo ng loob ko sa kanila. Mas pinairal ko ang galit. Patawad mama, papa. Sa inyong lahat. Patawad dahil minsan akong naging mahina.
I regret everything, every mistake that I made. Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality. Minsan sa pagkakamali natin ay dun lang natin marerealize ang mga hindi dapat natin ginawa. Matuto dapat tayong itama ang mga pagkakamali natin.
Gusto kong magpasalamat sa lahat. Kay mama, papa, mga kapatid ko, mga kaibigan. Sila ang nag bigay ng lakas sakin na hindi sumuko. Sila ang dahilan para mamulat ako sa katotohanan. Reality are sometimes painful, but you just need to accept it and to be strong. Matuto dapat tayong tumanggap ng pagkakamali natin.
Isa sa pinakagusto kong pasalamatan sa lahat ay ang misteryosong lalaki na naging dahilan upang hindi ko ituloy ang pagtapos sa sariling buhay ko nun. Oo. Sinubukan kong kitilin ang buhay ko dahil sa sakit na nararamdaman ko pero ang mga salita nya ang nagparealize saakin na hindi sagot ang pagpapakamatay upang takasan ang sakit, ang mga problema.
"Bakit kapag nahihirapan, pagtapos sa sariling buhay ang tanging paraan na naiisip mga tao upang wakasan ang kanilang kalbaryo? Ano sa tingin mo, Amarie?"
Kinilabutan ako nun nung marinig ko ang boses nya. Hindi sya pamilyar pero alam kong isa syang lalaki. Mas nagulat pa ako dahil alam nya ang pangalan ko!
"Nung nakakakita ka pa, nagbulag bulagan ka sa mga nakapaligid sayo. Hindi mo pinapansin ang mga nagmamahal sayo. Puro negatibo nalang ang iniisip mo, di mo pinapansin ang mga magandang nangyayari sayo. Ngayon namang wala ka ng makita, saka mo lang nakikita yung mga sinayang mo. Yung mga binaliwala mo lang noon. Yung mga hindi mo pinahalagahan at kung gaano ka talaga kaswerte. Alam mo nang mali ka, pero bakit mo wawakasan ang iyong buhay? Oo nakagawa ka ng mali, diba dapat ay itama mo yun imbis na takasan mo ang mga ito? Mag pakatatag ka, Amerie. Wag kang mawawalan ng pag-asa. Itama mo ang mga mali. Isipin mo ang mga nag mamahal sa iyo."
Sobrang tinamaan ako sa mga salita nya. Sya ang pinaka naging dahilan kung bakit ko pa ipinagpatuloy ang aking buhay. He gave me hope, He's my guardian angel and my savior.
Sa mga himala na nangyari sa akin. Naniniwala na akong di tayo pababayaan ng diyos sa ano mang pag subok na dumating. Iniisip ko nga na baka si Papa God ang nag mamay-ari ng misteryosong boses na iyon.
Maraming salamat Papa G! Pangako na magiging malakas at matatag na ako. I love you po.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie