Entry #2

3 0 0
                                    

---

Dear Diary,

  Nakakainis na! Buong linggo na akong kinukulit ni mama sa plano ko. Saan daw ba ako mag cocollege? Anong course ba ang gusto ko? Ano daw bang plano ko sa buhay? At kung tutunganga nalang daw ba ako?

  Sa totoo lang parang ayaw ko muna mag-aral. Gusto ko muna i-enjoy itong kalayaan ko. Maglilibang muna ako.

   Sinabi ko yan kay mama pero ang sagot nya? Sinigawan nya lang ako. Ewan ko ba. Hilig nya akong pakialaman. Buhay ko naman to eh. Hindi ko ba pwede gawin ang gusto ko?

   Tama naman ako diba?

   Hindi ko nalang pinansin pa si mama. Nagkulong nalang ako sa kwarto ko ng buong maghapon. Puro pag-iinternet at pagbabasa lang ang ginawa ko.

   Masaya naman ako ng ganito e? Kelangan ko pa bang mag-aral? Tss. Ang nakakainis lang ay yung walang sawang pagdadaldal nila mama. Hindi ba sila nag sasawa kakasermon? Ako kase nag sasawa na sa pakikinig sa kanila, though hindi naman talaga ako nakiknig.

  Kanina nga pagkalabas ko ng kwarto sigaw ni mama ang bumungad sakin.

"ANO? GANYAN KA NALANG? MAGKUKULONG SA KWARTO MO? NI PATI PAG KAIN MO DI MO NA NAGAWA?"

  Ang sakit sa tenga sa totoo lang. Di ko nalang sya pinansin pa. Dumiretso nalang ako sa kusina para kumain. Bahala sila. At bahala na rin ako.

—Amarie

Painful Reality; Diary of a regretful girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon