---
Dear Diary,
Naiinggit ako. Alam kong hindi maganda ang naidudulot ng inggit pero hindi ko mapigilan eh.
Alam mo ba diary, ang saya nung mga makababatang kapatid ko. Binilan kasi sila ni mama ng tablet. HAHAHA. Nakakatuwa lang, nung bago kase ako nag graduate ng highschool, nangako sakin si mama at papa na bibilihan nila ako ng bagong cellphone pakagraduate ko. Kamusta naman? Nagtatrabaho na ako't lahat pero wala pa rin. Buti pa yung mga kapatid ko hindi nang hingi pero binigyan parin nila. O kung manghingi man sila, bigay sila agad.
Sa totoo lang, hindi naman talaga yung cellphone yung habol ko. Naiinggit lang talaga ako. Never pa kase nilang binigay ang gusto ko ng kusa. Wala pa nga akong natatanggap na kung ano galing sa kanila. Miski isa. Wala.
Pano mawawala tong inggit na to? Ang hirap eh.
Ps. Umiiyak nanaman ako.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Historia Corta"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie