Entry #28

3 0 0
                                    

---

Dear Diary,

Naging maayos ang operasyon mo. Mamaya lang ay pwede mo nang tanggalin ang benda mo sa mata. Proud si mama para sayo. Napakatatag mong bata.

May maganda nga pala akong balita. Alam mo bang sabi ng doctor ay nawala na ang bukol sa dibdib mo? Hindi rin nila alam kung paano nangyari yun. Pero kailangan parin obserbahan. Sobrang thankful parin anak. Isang himala ang nangyari sayo. Hindi nya talaga tayo pinapabayaan.

Mag pagaling ka ha? Pag kagaling mo. Sabay sabay tayong buong pamilya na magpapasalamat sa Diyos dahil sa kabutihan nya para sa atin.

Get well soon, Amerie ko. Mahal na mahal ka namin. Mahal na mahal kita.

—Mama Mey

Painful Reality; Diary of a regretful girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon