---
Dear Diary,
Di na pumasok pa si Andrei sa trabaho. Mabuti naman dahil ayokong makita ang pag mumukha nya! Natakot rin siguro yun na baka isumbong ko ang pagtangka nyang pagsamantalahan ako. Naging ilag na ako sa ibang tao. Actually, nawalan na nga rin ako ng gana pati sa lahat. Sa lahat ng bagay at sa lahat ng tao.
Siguro ay mas magiging masaya ako kung mag isa. Mas okay na maaga palang ay lumayo kana kesa pag sisihan mo pa at masaktan kalang sa huli.
Wala naman akong masyadong gustong ikwento. Pagdating naman sa bahay ay deretso na agad ako sa kwarto ko. As usual, umiiyak pa rin ako pag gabi. Naging routine ko na ata yun.
Ps. Nagsorry nga pala sakin si mama kaninang umaga. Nag-aalala lang daw sya. Edi wow! Ang sweet nya naman
Pps. Di ko sya pinansin. Masakit talaga eh.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie