Entry #21

3 0 0
                                    



---

Dear Diary,

Hi Diary. Pasensya na ngayon lang ako uli nakapag sulat. Pinilit ko lang talaga mag sulat miski wala na akong makita. Oo. Bulag na ako Diary. Buti nga at tinupi ko yung huling sulat ko sayo kaya may palatandaan ako kung saan yung pahina na susulatan ko.

Hindi ko nga alam kung maayos ba ang pagkakasulat ko eh. Ginawa ko lang palatandaan yung daliri ko para hindi magkapatong patong yung mga letra. Para maintindihan ko pa rin kung sakaling makakita man ako uli. Pero diary, makakakita pa ba ako uli?

Sorry nga pala sa sulat ko ha? Hindi ko alam kung maayos ba o kung pantay pantay. Hayaan mo, pag nasanay ako gaganda rin yan.



—Amarie

Painful Reality; Diary of a regretful girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon