---Dear Diary,
"Ayan ang napapala mo. Ikaw ba naman di kumain ng isang araw? Kalandian mo kase, ano ngayon edi nagkasakit ka?"
Iyan yung sagot sakin ni mama nung sinabi ko sa kanyang may sakit ako. Gusto kong umiyak sa mga sinabi nya. Ganun na ba ang tingin nya sakin? Sabihin mo nga diary, bakit sila ganyan? Diba ang dapat ginagawa ng mga nanay ay ang suportahan at alagaan ang mga anak nila?
Bakit? Bakit di manlang nila ipakitang may pakialam sila sa akin? Mahal ba talaga nila ako. Bakit nung yung mga kapatid ko ang may sakit, todo alaga sila. Maya't maya pa tanong nila ng "May gusto ka ba anak? Masama pa ba pakiramdam mo?".
Ipinamumukha ba nila sa akn kung gaano nila ka ayaw sa akin? Gusto ko lang naman na maramdaman na may pakialam sila sakin. Na mahal rin nila ako.
Ang sakit sakit sakit! Ang sakit na sarili mo pang magulang ang magsasabi sayo ng masasakit na salita. Wala nga sayang alam sa mga pangyayari sakin eh. Di nya alam kung ano ang nararamdaman ko. Dahil sa sinabi na yun ni mama, sa kauna unahang beses ay na sagot ko sya.
"Bakit nga ba nag sabi pa ko? Kelan ka nga ba nagkapakialam?" Napangiti nalang ako ng mapait nung bigla akong sampalin ni mama dahil dun.
Hindi ko alam kung bakit naisip ko to, pero pano kaya kapag nawala ako sa mundong to? Sasaya na kaya ako? Siguro laking tuwa ng pamilya ako dahil mawawalan ng isang pabigat para sa kanila. Yun lang naman talaga ako sa bahay na to eh, pabigat. Isang malaking pabigat. Siguro nga kapag nawala ako ay para na silang nabunutan ng tinik. Ang sakit kahit iniisip ko palang. What a painful reality. Ganun siguro talaga, masakit talaga ang katotohanan. Katotohanang walang nag mamahal sa akin.
Gabi gabi nalang ako umiiyak. Di ka pa ba nagsasawa sa mga kwento ko sayo diary? Ako kase sawang sawa na. Sawa na ako sa walang kwentang buhay ko.
Ps. Di na ako uli mag sasabi ng nararamdaman ko. Mas maigi na talagang sarilinin ko nalang.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Cerita Pendek"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie