---
Dear Diary,
Sobrang kumirot yung mga mata ko kanina. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Pero alam mo ba? Hindi ako umiyak. Siguro dahil expected ko na yun. O dahil baka nasanay na akong masaktan. Physically and emotionally.
Dinala ako nila mama sa Doctor. Andaming sinabi nung doctor. Kesyo may damage daw yung ganito ganyan ko. Hindi ko na inintindi pa. Ang huling narinig ko nalang ay lumala na raw yun at maaaring maging cause ng pagkabulag ko.
Hindi na ko nagulat pa sa narinig ko. Alam ko na rin naman noon pa na dito rin ang punta ko. Ginusto ko to diba? Ngayon. Tiisin ko.
"Bakit di mo sinabi nang maaga pa! Pinaparusahan mo ba kami?"
Nagpapanggap lang akong tulog nung marinig ko ang humihikbing si mama. Naaawa ba sya sakin? Tss. Di ko naman kailangan ng awa ng kahit na sino.
Hindi ko sigurado kung makakapag sulat pa ako sayo. Baka wala na akong makita eh. Bye diary. Antayin mo nalang uli kung kelan ako makakapag sulat.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie