---
Dear Diary,
Tanggap na ako sa trabaho ko! Actually, First day ko nga ngayon. Mahirap pala ang maging isang sales lady. Akala ko nung una petiks petiks at patayo tayo lang. Pero nakakastress at nakakapagod rin pala.
Siguro ngayon lang to dahil unang araw ko palang. Masasanay rin naman siguro ako! Sana....
Mababait yung ibang mga kasama ko pero meron rin akong mga kinaiinisan. Yung mga akala mo kung sinong makapag utos. Maikli ang pasensya ko at mabilis akong mainis kaya ewan ko kung makakapag tumpi ako ng matagal. Kakayanin ko naman siguro?
Sobrang nakakapagod ang araw na ito sa trabaho pero parang mas lalo akong napagod nung pagkauwi ko sa bahay. Nadatnan ko kaseng nagdadaldal nanaman si mama.
Nag sideline na kasi si mama para may pang gastos sa araw araw. Si papa? Ayun. Tinamad na ata magtrabaho.
So ayun nga, nagrereklamo si mama na galing sya sa trabaho pero pag-uwi sa bahay trabaho parin. Nasabi ko na ba na hindi lang ako ang tamad sa bahay na to? Halos lahat kami actually. Except mama syempre.
Kinukunsinte rin naman kase nila yung mas nakababatang kapatid ko. Sinanay kase nila na binabayaran bago kumilos. Nag bibigay lang sila ng suhol. Ayan. Nasanay.
Ako? Wala akong pakialam. Paborito nila yang mga yan diba? Kaya wag silang umasa sa akin. At saka sa totoo lang? Kasalanan rin naman talaga nila kung bakit ganito kami, ako.
Naalala ko nga one time. Nag kusa na ako nun na mag hugas ng pinggan.
"Himala at nag hugas. Nilalagnat ka ba?"
Imbis na matuwa sila sa ginawa ko ay ganyan pa ang sinabi nila. Nainsulto ako kaya di ko na uli ginawa pa. Minsan nalang kung sipagin. Pero kelan ba ko sinipag?
Pansin ko lang diary, wala pa akong naisusulat na magandang pangyayari sa buhay ko sayo. Lagi nalang bang ganito? Kung ganito rin naman, nakakasawa na palang mabuhay.
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie