---
Dear Diary,
Pasensya na kung dalawang buwan akong hindi nakapag sulat sayo. Nawalan na kase ako ng oras.
Simula kase nung naging kami ni Andrei ay naging busy na rin ako. At oo! Kami na ni Andrei. Ang saya ko nung umamin ako sa kanya. Sabi nya liligawan nya ako. Pumayag na rin naman ako. Halos tatlong linngo sya nangligaw nun. Hindi ko na pinatagal dahil gusto ko rin naman sya eh.
Nung naging kami, galos araw araw na gimik. Kasama namin lagi yung mga kaibigan at kasamahan namin sa trabaho. Ayan tuloy, ngayon lang ako nagka time na makapag sulat sayo.
Ang saya ng ganito. Sana araw araw na to. Sana wala ng katapusan.
Magkagalit nga pala kami ni mama. Hindi nya ko pinapansin simula nung isang araw. Nalaman nya kaseng may boyfriend na ako tapos umuwi pa akong lasing nun. Hinayaan ko nalang. Sa totoo lang? Sanay na naman talaga akong hindi pinapansin. Wala naman talaga silang pakialam sa akin. Ni isang beses nga, hindi naman nila ako tinanong kung okay lang ba ako.
Gusto ko naman talagang mag open sa kanila eh. Pero sila ang nag bibigay ng dahilan para lumayo ang loob ko sa kanila. Hayaan na natin yun. Tama na ang nega. Wala na akong pakialam. Gusto ko lang na maging masaya.
PS: First kiss namin ni Andrei kanina. First kiss ko yun, kaya sobrang nakakakilig.
#NoToBadVibesDapat
—Amarie
BINABASA MO ANG
Painful Reality; Diary of a regretful girl
Short Story"Sometimes, you have to make a big mistakes to figure out how to make things right, mistakes are painful but they're the only way to find out reality." -Amarie