Entry #26

3 0 0
                                    

---

Dear Diary,

Hi anak. Pasensya na kung pinakealaman ko ang Diary mo. Patawarin mo ang mama huh? Kasalanan ko ang lahat to eh. Hindi ako naging isang mabuting ina sa iyo. Kung alam ko lang sana na nahihirapan kana sana una palang ay nasamahan kita sa mga paghihirap mo.

Patawarin mo si mama kung nabigo akong iparamdam sayo na mahal kita. Pero anak. Mahal na mahal kita. Mag pagaling ka anak. Nasasaktan akong makita kang ganyan.

Oo nga pala anak, yung pinangako ko sayo nun na bibilhan kita ng cellphone pagka graduate mo? Hindi nakalimutan ni mama yun anak. Pinag ipunan ko lang dahil gusto kong ibilika ng magandang klase. Minsan lang kasi kita bigyan ng ganun kaya gusto ko special. Sinubukan kong sabihin sayo yun anak pero di mo ako pinansin.
Hindi ko manlang naisip ma may galit ka na pala sa amin.

Patawad sa lahat ng pagkukulang ko. Pagaling ka anak. Mahal na mahal kita.

—Mama Mey

Painful Reality; Diary of a regretful girlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon