Chapter 4:
Mharjory's Point of View
Inaantok pa ko habang yakap yakap ang mahaba kong unan sa kama. Medyo na hihilo na rin ako sa mahabang pagkakatulog kaya naisipan kong bumangon na at dumiretso sa sala.
"Gising ka na pala. May pumunta pala dito nak, hinahanap ka." Bati ng maganda kong mama pagkalabas ko pa lang ng kwarto.
"Sino ma? Bakit daw?" Tanong ko
"Sino pa ba, edi si Eugene yung syota mo." Bigla nagsalita si kuya Jason habang naglalaro ng League of Legends sa computer namin.
Shota mo mukha mo! Akala mo naman napakalakas sa LOL, weak naman!
"Tsk, Baka." Inirapan ko sya at umupo malapit sa lamesa.
"Tumigil na nga kayo basta pumunta dito si Gene nak, di nya sinabi kung bakit eh basta may sasabihin ata sya sa'yo." Sabay punta sa kusina para maghanda ng hapunan.
Bakit ako hinahanap nung payatot na yun? Ahh Baka may kailangan lang.
Habang hinihintay ko ang pagkain, pumunta ulit ako sa kwarto, di para matulog ulit kundi para kuhain ang aking cellphone. Pagka-open ko agad ay nakita ang tadtad na chat at tawag ni Eugene sakin.
"Asan ka na?"
"Andito na si sir."
"Bakit ka ba umabsent pre?"
"Mag-reply ka kaagad pag nabasa mo 'to."
Kaya pala nag-chat dahil absent ako. Di na ko nagdalawang isip na mag-reply.
"Pre?" Bungad ko.
"Oy! Anong nangyari sa'yo?"
"Nilagnat ako eh."
"Tsk, ayan kasi nagpaulan kagabi!"
"Alam ko bang magkakasakit ako? Hahaha."
"Oo nga pala, hinanap ka ni Sir sakin kanina."
"Sinong sir? Yung terror?"
"Yeahh."
"Namiss ata ako haha. Bakit daw?"
"Recitation lang naman."
Papatayin ko na sana ang phone ko para kumain nang bigla ulit syang mag-chat.
"Pero nadagdagan tayo sa room."
"Ha?"
"May bago tayong kaklase, babae."
"Ahhh. Good for her, welcome to the family dejk hahaha."
"Good for me and welcome to my heart. Hihi." Nababaliw na ata tong kachat ko.
"Sa tagal na nating magkaibigan ngayon ko lang nalaman na fuckboi ka pala, kadiri." Biro ko pero napapaisip ako kung sino ba ang babaeng tinutukoy nya.
"Baka! Basta ang lakas nang tama ko sa kanya. Musician din sya katulad ko."
"Wehhh? Ano pangalan? Baka imaginasyon mo na naman yan eee."
"Margaux Aguiluz"
"Ganda ng pangalan ah."
"Uyyy samahan mo naman pala ako bukas sa SM. Plsss." Bigla nyang putol sa usapan.
"Dun ka sa transferee magpasama."
"Luh, selos?"
"Selos? Ano ba kita?"
"Tropa!"
"Yun naman pala e."
"Basta sasamahan mo ko?"
"Nak, Kain na. Tama na cellphone, lalong sasakit ulo mo dyan eh!" Sigaw ni mama mula sa kusina
"Uyyy! Replyan mo ko pre. Hay. Pagaling ka ah."
"Pumasok ka na bukas, Ingat."
Di ko na nireplayan ang mga sumunod nyang chat. Agad akong pumunta sa facebook at hinanap ang pangalan nang babaeng sinasabi nya.
"Margaux Aguiluz? Sino ba tong chix ni Eugene? May lahi ba tong korean?" Sabi ko habang patuloy na iniistalk ang wall ng babaeng sinasabi nya.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_