Chapter 13:
Eugene's Point of View
Lunes. Nasa isang room kami sa school at nagkakaroon ng meeting para sa mangyayaring event sa mismong araw ng Birthday ko, sa araw ng mga puso.
"So as a president of the student council we decided to make an event para sa Febuary 14 pero kailangan namin ng mga suggestion nyo kung anong mas magandang mga booth for that day. Anyone?" Nagsalita si Arthur sa harapan. Isa din sya sa mga sikat sa buong campus dahil sa pagiging active sa school. Isa-isa nyang tinawag ang mga nagtaas ng kamay.
"MARRIAGE BOOTH"
"JAIL BOOTH"
"Jail booth? Anong connect nun sa Valentines? HAHAHAHA"
"KISSING BOOTH NA LANG!" Napapataas baba na lang ang ulo ko habang nakikinig sa kanila ng biglang bumulong si majo.
"Sus dami nilang alam, paano kaming mga single?" Reklamo ni Majo habang nakadekwatro.
"Bitter ka lang eh!" Dagdag ni Chrys na tinatawan sya ng malakas.
"Di ako bitter oy! Ano sapakan na lang?" Tinaasan sya ng kilay ni Majo at parang pusa na handang makipag-away.
"Tama na yan, para kayong mga bata. Majo ayusin mo yang upo mo, nakapalda ka." Saway ko.
"Kaya pala mabaho eh hahaha." Di parin tumitigil si Chrys sa pang-aasar. Tumayo si Majo sa likod niya.
"ANONG SABI MO CHRYS?"
"Wala wala."
"Hindi, may sinasabi ka kanina eh!" Nakaangat na ang kamao ni Majo at balak suntukin si Chrys.
"La hoy! Anong gagawin mo?" Nakatingin si Majo at nanliliit na ang mga mata nya. Sinuntok nya ng malakas sa braso si chrys.
"Ahh! Masakit yun ah!" Napangisi lang si Majo habang nagrereklamo si Chrys. Bumalik na sya sa tabi ko.
"Ansakit mama!" Di parin tumitigil sa pagrereklamo si Chrys at mas lalong humahaba ang nguso.
"PEOPLE AT THE BACK HUWAG KAYONG MAINGAY!" Nagsalita si Ma'am. Adriano na mismong humahawak sa Student council.
"Sorry po ma'am." Ako na mismo ang humingi ng tawad sa ginawa ng dalawa. "Di ba kayo titigil? Sinaway na tayo sa ingay." Bulong ko habang nakayuko.
"Yan kasing katabi mo, kala mo kung sinong pogi!" Napangisi ulit si Majo at napaikot ang mata ng halos 360 degree.
"Eh bat kailangan mong manapak?" Napasigaw si chrys.
Tumigil na kayo!
"I said be quiet ok? Kung manggugulo lang kayo pwede na kayong lumabas sa pinto." Di na nakatiis samin si Ma'am at lahat ng tao sa loob ay nakatingin na rin saming tatlo. Napayuko na lang ako at napa-iling.
"Edi lumabas!" Bulong ni Majo. Kinuha nya ang bag at umalis sa meeting ganun na rin si Chrys.
"Oy teka lang." Sabi ko. Wala akong nagawa kundi sumunod, mapapanis lang ang laway ko dahil wala akong balak imikan ang mga ibang estudyante doon at kulang na lang ay matunaw ako sa mga malalagkit na titig ng mga babae sa likuran ko.
Tumigil kami sa mismong labas ng room habang tirik na tirik ang araw.
"Oh ano nang plano natin? Lamig pa naman sa loob dito ang init!" Padabog na reklamo ni chrys.
"Guys!"
"Bakit pre?" Tanong ni majo.
"Tutal maaga pa naman alis tayo, intayin nyo muna ko sa labas ng campus sa may gate." Bilin ko.
"Teka sama ako pre." Sabi ni chrys.
"Wag na, magchachat na lang ako sa gc tapos labas na kayo. Ok?" Inintay ko silang sumagot. At tumango ang dalawa.
"Ahh sige pero saan ka nga pupunta?" Seryosong tanong ni Majo sakin.
"Yiee si Majo concern kay Eugene hahaha."
"Di no, mamaya kasi iwan tayo eh."
"Sus ang sabihin mo concern k---." Binatukan ulit sya ni majo.
"Hahaha sige na, una na ko." Habang naglalakad ako paalis eh naririnig ko silang nagtatalo ulit.
"Ikaw nakakailang bugbog ka na sakin ah. How dare you? Susumbong kita kay Chelsea ko. Hmmp!"
"Patay nag-english na ang tropa ko hahaha. Di ko nga alam kung ba't ka sinagot ni Chelsea eh haha."
"Yung dalawa talaga eh haha." Bulong ko sa sarili ko. Lumabas na ko ng school at pumunta sa likuran nito, sa parking lot.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_