CHAPTER 21

50 12 2
                                    

Chapter 21:

Eugene's Point of View


Nararamdaman ko ang bawat hakbang ng mga tao kahit na ka pikit ang dalawa kong mata. Balot ako ng isang kumot na di ko alam kung saan nanggaling na nagbibigay ng init sa katawan ko.

"Eugene.." May bumubulong sa tenga ko. Unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko at nakitang nakatulog pala ako sa bench sa ospital. Ginising ako ni Luiggi kasama ang tita ko, kapatid ni mama.

"Insan, gising ka na pala." Nginitian nya ako. Basang-basa ang mga mata ko ng magising ako mula sa pagkakatulog. Bumangon ako at nakatulala. "Asaan si Mama?' Wala ako sa sarili. Tinabihan ako ni Tita Maye at kinuskos ang likod.

"Magpahinga ka muna, umuwi ka muna sa bahay nyo."

Bigla akong napayakap at humagulgol na parang bata sa balikat ni Tita.

"Ano ba kasing nangyari sa kanya? Dapat pala di na lang ako umalis.. dapat umuwi na lang ako ng maaga." Iyak ako ng iyak at patuloy na sinisisi ang sarili sa pagkawala ng pinakamamahal kong babae sa buhay ko.

"Shh wala kang kasalanan, tahan na." Naalala ko si Mama kay Tita ng sabihin nya iyon sakin. Parehas na parehas sila at may pakakahawig. Napabuntong hininga si Luiggi habang tinitignan ako. "Insan hatid na kita. Doon ka muna sa bahay nyo."

Mahinahon na sinabi ni Luiggi sakin. Di na ko nagmatigas dahil di ko rin naman makikita agad si Mama dahil sa mga proseso na gagawin nila sa kanya. Hinatid ako nila tita sa labas ng ospital at sinamahan ako ni Luiggi pauwi sa bahay.

"Insan asan yung susi?" Inilapad nya ang kamay sakin habang nakayuko ako.

"Bakit?"

"Ako na ang magdadrive, doon ka na lang sa likod ng kotse mo." Pumayag ako sa alok nya. at ihinagis ang susi sa kanya. Nakatulala parin ako kahit na bumabyahe na kami dahil hindi ko alam kung ano ang totoong nangyari kay mama.

Pagkahatid sa bahay ay inalalayan nya ko papasok. Inupo nya ako sa sofa at hinagis ang remote sa tabi ko.

"Manuod ka muna, magluluto lang ako ng noodles sa kusina kasi alam ko di ka pa kumakain." Di ako umimik at nagsalita ng umalis sya sa harapan ko. Ingay lamang ng Tv ang nagbibigay ng ingay sa buong bahay habang nakalapat ang likod ko sa malambot na sofa.

"Isang babaeng nasagasaan ng isang van na di umano'y nakainom daw ang nagmamaneho nito. Isang nag ngangalang Genevia Vergara ang nasabing baba---." Nawala ang pagkatulala ko at bumilis ang tibok ng dibidib ko ng marinig ang pangalan ni Mama sa TV. Kinuha ko ang remote sa tabi ko at mas lalong nilakasan ang volume.

"Saktong alas syete ng gabi kahapon ng tumawid sa pedestrian lane ang nasabing babae ng biglang na lang may sumulpot na van kahit na naka red pa ang traffic light sa kalsada. Mabilis nyang nasalpok ang babae at halos makaladkad ng ilang segundo bago tumigil ang nasabing van." Nag-init bigla ang ulo ko at napasara ang dalawang kamay ko.

"Insan!" Nagmamadaling pumunta si Luiggi sa sala. Huli na para patayin nya pa ang TV dahil narinig ko na ang lahat.

Nasipa ko ang mesa na nasa harap ko at patuloy na nagmumura ng paulit-ulit.

"Asaan yung tanginang driver na yun? Asaan!" Sigaw ako ng sigaw habang dumudugo ang paa ko dahil sa bubog ng vase na nakapatong sa mesa.

"Nakatakas yung driver pero hinahan--." Tumigil si Luiggi sa pagsasalita ng bigla akong kumuha ng bubog at inilagay sa pulso ko. Guguhitan ko na sana ito ng bigla nya akong sinuntok sa mukha.

"Nasisiraan ka na ba ha!" Aambahan ko na sana ito ng napansin kong may tumutulo ng luha sa mata nya.

"Nawala na din si papa kaya alam ko ang pakiramdam insan. Isipin mo na lang ang gagawin ni Tito kung gagawin mo yan. Di lang ikaw yung nahihirapan Eugene kaya plesea insan, wag." Pagmamakaawa nya. Nanginginig ako sa galit pero unti-unti akong nahimasmasan sa sinabi nya. Inalis ko sa kamay ko ang bubog at tumayo.

"Saan ka pupunta?" Di ako nagsalita at umakyat sa kwarto.

"Anong gagawin mo!?" Pahabol na tanong nya sakin.

"Matutulog." 

Pinupunasan ko ng damit ang mga mata ko. Bumabakat sa sahig ang dugo ko sa papa ng walang tigil sa pag-agos. Dumiretso ako sa kwarto at tumalon pahiga sa kama.

Binaon ko sa unan ang mukha ko at tumahimik ng ilang minuto. Biglang tumunog ng sunod-sunod ang cellphone ko na nasa bulsa. Kinuha ko ito at binuksan.

"Happy Valentines at Happy Birthday sayo loves."

"It's your Birthday! Enjoy!"

"Mahal ka namin, HBD."

Napuno ng bati ang inbox ko galing sa iba't ibang tao na di ko man lang kilala. Nakita ko rin ang message ni Majo sakin kaya binasa ko ito.

"Uy gene, asaan ka na?" Nagdadalawang isip ako na replyan sya, di parin nila alam ang nangyari sa mismong araw ng birthday ko dahil ayokong bigyan sila ng sakit sa ulo. 

"Tinatamad ako pumasok." Reply ko. Hinagis ko ang cellphone sa kama at binalik sa pagkakabaon sa unan ang mukha. Tumunog ulit ito.

"Tsk!" Padabog kong kinapa ang cellphone. "Sabing di ako papas---." Napatigil ako ng makitang si Margaux ang nagmessage sakin. Umayos ako ng higa at agad binasa iyon.

"Heyy Eugeneeee! HAPPY HAPPY BIRTHDAY. How's your day?"

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko kaya matagal akong nakaisip ng irereply sa kanya. "Idk." Sabay pindot ng like sa conversation namin.

Wala talaga ako sa sarili kumausap ng ibang tao ngayon kahit si Margaux at ang mga kaibigan ko. Ayokong makakita, kumausap, at makarinig ng kahit ano. Gusto ko lang magkulong ng buong araw at mag isip-isip ng maayos. Hinagis ko sa kung saan ang cellphone ko at tinakpan ng kumot ang buong katawan. Unti-unti akong dinapuan ng antok at pagod sa buong katawan.

LostWhere stories live. Discover now