CHAPTER 22

56 10 1
                                    

Chapter 22

Eugene's Point of View


Nagising ako sa kwarto na nababalot ng dilim ang buong paligid. Alas otso na pala ng gabi at di namalayan ang oras sa mahabang pagtulog. Di ko nararamdaman ng kaarawan ko ngayon dahil sa lahat ng nangyari.

Lumabas ako ng kwarto na di pa nagpapalit ng damit simula kagabi ng pumunta ako sa ospital kung saan sinugod si Mama. Tinatamad akong kumilos lalo na't nasanay akong may nag-aasikaso sakin sa lahat.

Isasara ko na sana ang pinto ng kwarto ko at balak bumaba ng hagdan ng may makita akong note na nakadikit doon. "Ano 'to?" Kumunot ang noo ko.

"Eugene, di na kita ginising may pagkain na sa ref, initin mo na lang insan. Sabi pala ni Tito uuwi sya dito para asikasuhin ang papeles ni Tita pero di ko alam kung kailan sya uuwi. Condolence Insan.  -Luiggi."

Wala akong emosyon habang binabasa ang note na nasa pinto. Bumababa na ko at agad dumiretso sa sala. Wala na ang bubog ng vase na nabasag kaninang umaga at parang magic na luminis ang buong bahay. Patay ang ilaw sa buong sala at tunog lamang ng orasan ang naririnig ko. Mas lalong nawalan ng buhay ang buong bahay.

Humiga ako sa sofa at napahinga ng malalim.

"Febuary 14, araw na pinanganak nya ako at araw na nawala sya sa mundo. Malas ka nga siguro Eugene, malas." Ginawa kong unan ang dalawang kamay ko, mariin akong pumikit ng napakatagal at dinama ang katahimikan ng paligid.

"Psst." May biglang bumulong sa tenga ko at di ko iyon pinansin at nanatiling nakapikit. Baka guni-guni ko lang iyon.

"Why do birds suddenly appear..." Naririnig mo na naman ang boses ng babae sa panaginip ko. "Everytime you walked by.." Pinantakip ng tenga ang kamay ko na ginawang kong unan kanina.

Pinilit kong hindi dumilat at huwag tanggalin ang mga kamay ko sa tenga. 

Sigaw ako ng sigaw ng makaramdam ako ng mabigat na bagay sa buong katawan ko. Di ako makahinga at makagalaw, pakiramdam ko ay mawawalan ako ng hininga kahit anong oras.

May biglang yumugyog sa bandang binti ko at mga boses na naghahalo-halo sa tenga ko. Iminulat ko na ang mga mata ko ng makita ang anino ng isang babae, hindi ko ito makita ng maayos dahil nakapatay ang ilaw sa buong bahay.

"Ma?" Niyakap ko ang anino at para akong nalunod sa paghahabol ng hininga.

"Aray!" Nakaramdam ako ng malakas na sampal sa pisnge ko. Biglang lumiwanag ang bahay at nakita kong nakayakap pala ako kay Mharjory sa sofa. Nakasimangot ito at medyo naiinis na ang mukha.

"I'm sorry." Inalis ko ang mga braso ko sa kanya at lumayo.

"Andun lang pala yung switch ng ulaw sa may TV eh kanina pa ko ng hahanap." Nagulat ako ng may magsalita sa likod ko, si Chrys.

"Oh bat parang napatahimik kayo?" Yumuko ako sa sunod na sinabi ni Chrys. "Nothing." Sagot ko. 

"Tskk, kung di pa kita nagising baka kung anong nangyaring masama sayo." Iba ang tono ng boses nya.

"Binangungungot ka pre?"

"Di ko alam eh, di ako makagalaw kanina." Sagot ko.

"Baka sleep paralysis yan, teka Majo saan ka pupunta?" Tanong ni Chrys. Nakita kong may hinahanap sya sa buong bahay at pasilip silip sa kusina at sa buong bahay.

"Asaan si Tita?" Tumingin sya sakin. "Titaaa! Yuhooo!" Napapikit ako sa bawat pagsigaw nya sa bahay habang hinahanap si Mama. Di ako makadilat dahil nasasaktan ako ng di sabihin sa mga kaibigan ko ang nangyari sa mismong araw ng Birthday ko. Biglang tumahimik ang paligid at pagkadilat ko ay wala na sila sa harap ko.

LostWhere stories live. Discover now