Chapter 31 Part II
Eugene's Point of ViewNanigas mula sa pagkakatayo ang mga kaibigan ko habang diretsong nakatingin sa nangyari sa mismong sala ng bahay. Tanging si Bryan lamang ang may lakas ng loob na lumapit sa alaga kong aso na halos di na makilala sa dami ng tama sa katawan.
Niluruhan nya ito at parang may kung anong tinitignan sa katawan ni Migs.
"I warned you already?!" Binasa ng malaks ni Majo ang mismong nakasulat sa pader, nasa gilid sya ni Chrys na halos naliligo na sa pawis ang noo. Kahit na may pagkaduwag sya sa mga gantong bagay ay nagawa nya parin akong puntahahan, pagkatapos ko silang kontakin sa nangyari.
Hindi ko na rin naisipang saktan ulit ang sarili dahil alam kong mas lalala lang ang sitwasyon, ang gusto ko lang ngayon ay mahuli at bangasan sa mukha ang taong may pasimuno nito.
Nakaupo ako sa sofa na halos natakpan na ang orihinal na kulay dahil sa dugo ko sa katawan. Naaninag ko sa gilid ng mata na napatayo si Bryan mula sa posisyon kanina, nanatili syang kalmado habang papaupo sa sofa.
"May mental disorder ata ang gumawa nyan gene! Dapat dinadala yang mga ganyang tao sa mental eh!" Nanggagalaiti ang boses ni Majo na hindi parin inaalis ang tingin sa pader.
Tama sya, sinong matinong tao ang gagawa nun? Nagpakawala nalang ako ng malalim na paghinga. Napakrus ang braso ni Byan at napatango. Mukhang sang-ayon din sya sa sinabi ni Mharjory.
"Yeah, you're right. But if my deduction was right, nakausap mo na ang may gawa nyan. Nakasulat na mismo sa dingding, right?" Pagkasabi ni Bry ay sabay kaming tatlo na napatingin sa kanya. Manghuhula na sya?
Kaagad kong kinuha ang cellphone at pinakita ito sa kanila. Nasa screen ang number ng tumawag kanina at ang mismong oras kung kailan kami nag-usap. Nagkumpulan sila sa harap ko.
Nakagalaw na rin si Chrys na parang kanina lang ay isang statwa sa isang museum. "Baka isa yan sa mga fangirls mo? Noong araw kasi na di ka pumasok ay para silang mga baby na hinahanap ang nanay nila. May magbigay pa nga ng mga letter eh."
Nagsimula ng magbigay ng ideya si Mharjory habang nakahawak sa baba.
"Obsessed?" Paghahabol ni Chrys na nakaangat ang noo at nakatingin sa screen ng hawak kong cellphone.
Saglit akong napatahimik at may inalalang nangyari kanina. Nakapagtataka kung isang babae ang gagawa nun, dahil kahit pambata ang boses ng nakausap ko kanina ay sigurado akong lalaki iyon. Kailangan ko na rin sigurong sabihin sa kanila ang nalalaman ko tungkol sa kung sinong may gawa nito at hindi ang tungkol sa amin ni Margaux.
Nabalik ulit ang tingin ko sa kanila.
"Naalala nyo ba yung nangyari pagkatapos akong madischarged sa clinic? Yung unknown number na nagtext kay Mama bago sya mamatay? Yung nabasa ko sa cellphone nya?"
Seryosong nakikinig ang tatlo sa akin. Napatango sila ng maalala ang kinukwento ko. "Oo, bakit gene?" Tanong ni Majo.
"Iisa lang isa. May susunod pa daw pagkatapos ng nangyari sa Birthday ko at baka ito na ang sinasabi nya, yung kay Migs."
Pahina ng pahina ang boses ko. Mas nagkaroon ng pagtataka sa mukha ni Majo at Chrys samantalang kalmado ang kay Bryan. Bumalik rin sa pagiging taong yelo si Chrys dahil sa sinabi ko.
Pero habang kinokonekta ko ang mga pangyayari ay may isang nawawala doon. Kumbaga sa isang jigsaw puzzle ay may kulang na isa, bakit nya ito nagawa? Kahit anong kalkal ko sa utak ay wala akong maalala na nakaaway na kahit sino.
"Impossible isang fangirl mo ang gagawa nyan," Kagaya nga ng sinabi ni Bryan ay ganoon din ang nasa utak ko. Napahin sya ng malalim at mapasulyap ulit sa pader.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_