CHAPTER 26

70 7 6
                                    


Chapter 26: 

Eugene's Point of View


Pinipilit kong magmaneho kahit medyo nahihilo at may benda pa ang isa kong kamay. Nahiwalay kami sa tatlo na magkakasama sa kotse ni Bryan.
Katabi ko lang si Margaux at nakafocus ako sa pagdadrive.


Nagulat ako bigla nang hawakan nya ang isa kong kamay. Itinigil ko sa isang gilid ang kotse ko.


Nagtatalo sa utak ko kung bibitawan ko ba ang kamay nya o patuloy lang syang hahayaan. Napakalambot ng kamay nito na parang isang isang sanggol.


"I'm sorry."
Nanlaki ang mata ko habang nakayuko sya sa akin at parang iiyak. Di ko alam ang isasagot dahil hindi ako magaling sa mga gantong bagay.


Di nya parin binibitawan ang kamay ko.


"May nagawa ka bang mali? Bat ka nagsosorry sakin." Nauutal ako habang tinitigan sya. Walang ano-ano'y bigla nya akong niyakap ng mahigpit sa loob ng kotse.


Naramdaman ko ang pagkiskis ng balat nya sa akin. Di ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na rin si Margaux.


"Thank you and I'm sorry, naging childish ako sa'yo kanina at nasigawan pa kita. And thank you for saving my life." Habang nakayakap ako ay unti-unti kong naramdaman ang paglapit ng mukha ni Margaux sa labi ko.Di na ko nakagalaw at nakaiwas dahil tinutulak ako ng isip ko na gantihan din sya ng matamis na halik.


Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot nyang labi sa pagmamay-ari ko. Hindi iyon basta halik dahil mas diniin ko ang labi ko sa kanya ng mas matagal. Napapayakap sya sa akin at nalulukot ang uniporme ko sa bawat higpit ng kapit nya. Para akong nagfofocus sa pagmamaneho at di binibitawan ang manibela, ganoon ko ilarawan ang nararamdaman ko habang nakadikit sa labi nya.


Napatigil lang kami ng biglang tumunog ng sunod-sunod ang cellphone ko. Nagkatinginan kami at napansin na napangiti na lang kami parehas.


"Sorry di ko napigilan.." Sabi ko at di makatingin sa kanya. "You're a good kisser," Bawi nya na nagpangiti sa akin lalo.


Tinignan ko ang cellphone at puno ng message ni Mharjory. Kanina pa daw sila nandoon at kami na lang ang hinihintay. Itinago ko na ito at binalingan uli ng tingin si Margaux.

"Kung napipilitan ka lang sumama samin, hatid na kita pauwi." Alok ko dahil parang bayad na ang pagkakautang nya sa akin. Umiling lang ito.

"Wala naman akong gagawin kaya ok lang." Sabi nya at agad akong tumango. Papaandarin ko na sana ang kotse ko ng bigla nya akong halikan sa pisnge. "Thank you ulit."
Bumalik na sya sa pagkakaupo at di makatingin ng diretso sa akin.


Habang nagmamaneho ako ay para akong ewan dahil pinipigil kong ilabas ang ngiti ko at parang gusto kong sumigaw dahil sa katabi kong si Margaux.





-----------------------


Nakita ko na silang tatlo habang nasa kotse dahil malapit na kami at isang liko na lang. Kumakaway si Chrys sa malayo at nakangiti naman si Bryan.
Itinigil ko na ang kotse sa mismong gilid ng bahay.

"Baba ka na.." Sabi ko kay Margaux habang tinatanggal ang setbelt sa katawan. Pagkalingon ko ay nanatili parin sya sa upuan at parang may hinihintay sa akin.

LostWhere stories live. Discover now