CHAPTER 23

87 11 2
                                    

Chapter 23:

Mharjory's Point of View

Magdadalawang linggo na pagkatapos ng Birthday ni Eugene. Di namin sya makamusta dahil halos buong araw syang nakakulong sa bahay at di rin namin sya makontact dahil sa pagdedeactivate nya ng account sa sns. Di parin sya pumapasok at malaking hatak iyon sa grades nya.

Mabilis kumalat ang balita di lang sa room pati narin sa buong campus. Bilang kaibigan ng isang sikat na estudyante sa school namin, kami tuloy na dalawa ni Chrys ang kinulit at ginugulo mg mga fangirls kunno ng kaibigan naming musician.

''Nanggigil na ko ah! Araw-araw na lang punong-puno ang inbox ko dahil sa mga malalanding babae na may gusto dun kay Gene, tsk.'' Nagkwekwentuhan kaming dalawa ni Chrys habang nakaupo sa isang mesa na nasa dulo ng canteen. Umiinom ako ng softdrinks mula sa bote samantalang si Chrys ay kumakain na paborito nyang tsitsirya. Di sya umiimik at mukhang malalim ang iniisip.

''Oh? Anong nangyari dyan sa mukha mo?" Napatigil ako sa pag-inom at napakunot ako ng noo. Nakabusangot lang ito ng parang bata at kulang na lang ay umiyak sya sa harap ko.

"Kasi si Chelsea...'' Iniintay ko ang susunod nyang sasabihin. "Dalawang araw na kaming di nag-uusap dahil doon sa mga babaeng nangungulit sa atin.'' Kwento nya. Mahal na mahal talaga ni Chrys si Chelsea.

"Ako na bahala, mag memessage ako mamaya. Chill ka lang wala ka namang ginawang mali sa kanya eh.'' Pinagaan ko ang loob nya. ''Thank you pre."

Tumango na ako at bumalik sa pag-inom sa bote. Diretso akong nakatingin sa pader na nasa tapat ko. Narararamdaman ko ang malalim na paghinga ni Chrys dahil katabi ko lang sya.

''Excuse me..'' May narinig akong maliit na boses ng babae sa likuran namin. ''Pumasok na ba si Eugene?'' Pahabol nyang sabi.

Umikot ang mata ko ng halos 360 degree at napataas ang kilay. Di ko nilingon ang babae sa likod ko dahil baka makasuntok ako at mapatawag sa guidance ng wala sa oras.

"No.'' Si Chrys ang sumagot sa tanong ng babae. Sino ba naman kasi ang matutuwa sa araw-araw na pangungulit ng kung sinong sinong babae? Minsan nga ay may nagpapaabot pa ng mga kung ano-ano at ipabibigay daw kay Eugene.

Kinuha ko ang earphone ko sa bulsa at agad itong inilagay sa tenga. Pagkatapos ng ilang minuto wala ng laman ang bote na iniinom ko kaya hangin na lang laman nito. Natutuwa ako sa bawat pagbuga ko ng hangin mula sa bote na nagkakaroon ng tunog. Para akong bata.

Nakaramdam ako bigla ng tao sa likod ko at nagpatong pa ng parehas na bote na iniinom ko sa mesa namin.

"Kung hinahanap mo si Eugene, di pa sya pumapasok." Di ko ito nilingon at nagpatuloy sa paglalaro ng hangin sa bote. "Alis na." Napangisi ako at medyo nabibwisit na.

Kinalabit ako bigla ni Chrys na animo'y may nakitang multo o kung ano. "Ano ba?" Tinanggal ko ang earphones na nakakabit sa tenga ko. Lumingon ako kay Chrys at nakitang napalunok sya habang nakatingin sa likod.

Ano bang meron?

"Di nya hinahanap si Eugene, Ikaw!" Nakanganga si Chrys at tumalikod na ko para tingnan ang sinasabi nya.

Isang lalake, maputi, makapal ang kilay at may namumulabang labi ang nasa likod ko.

Who are you?

"Hello, Mharjory! Long time no see." Nginitian nya ako at kinindatan. Iniabot nya ang kamay nya senyas para makipaghandshake. Agad ko itong tinanggihan at tumalikod.

"Mag-iintay ako kahit anong oras dito, kausapin mo lang ako." Di ako umimik sa lalakeng nasa likod ko. Palakaibigan ako pero di ganoon kabilis, baka kung sinong adik ang nasa likod ko. 

LostWhere stories live. Discover now