CHAPTER 15

59 12 0
                                    

Chapter 15:

Eugene's Point of View


Saktong mag-aalas singko na ng hapon ng makarating kaming tatlo sa destinasyon na plinano ko at wala silang kaalam-alam kung saan ito. Nakapark na ng maayos ang kotse ko sa gilid ng mapansin kong may malakas na humihilik sa may bandang likod.


"Siguro tulog na naman si Mharjory." Lumingon ako sa kanya at di nga ako nagkamali. Tinuon ko din ng pansin si Chrys at ganun din sya, mahimbing na natutulog habang yakap yakap ang sariling nyang bag. Tinapik ko sya ng tinapik hanggang sa magising.


"Ba..kit?" Inaantok nyang bati sakin habang kinukoskos ang kaliwang mata.

"Baba na." Utos ko. Binitawan ko na ang manibela at tinatanggal ang seatbelt na nakakabit sa aking katawan, wala akong narinig na bumukas na pintuan kaya napatingin ulit ako kay Chrys. Napansin kong di sya umiimik at nakatingin lang sa ibaba habang nakaupo. 

"Hmm, anong meron sa baba Eugene? May ipis ba?" Natatawa ako na ewan dahil naalala ko ang sarili ko kay Chrys noong niregalo sakin ang kotse na sinasakyan namin. Bigla ko syang nasuntok. Napahawak sya sa braso at nagulat.

"Bakit mo ko sinuntok?!"

"Pre baba sa kotse hindi tingin sa baba haha." Iling ako ng iling habang naghinihimas nya ang braso.

"Ahh ganun ba? Pero pre masakit yun ah, nagagaya ka na kay Mharjory eh. Yieeee haha." Sabi nya bago buksan ang pinto sa harapan ng kotse. "Teka pre!" Pagpigil ko.

"Oh?" Sabi nya.

 Tinuro ko si Majo na mahimbing na natutulog sa likod habang nakatakip ang mukha ng panyo.

"Gisingin mo na lang yan pre, jingle lang ulit ako. Haba ng byahe eh." Napahawak sya sa pagitan ng dalawang binti nya. Sinarado na ang pinto at naglakad papalayo. Naiwan kaming dalawa ni majo sa loob at wala akong ingay na naririnig. 

"Majo? Gising na!" Nagsalita ako habang tinatanggal ang susi sa manibela pero wala parin syang sagot kundi malakas na hilik. 

Parang mantika matulog si Mharjory, kahit saan basta't dapuan lang sya ng antok ay basta basta lang syang sasandal sa pader o kung saan at maririnig na lang namin na humihilik ng malakas. 

Napagdesisyunan kong lumipat ng pwesto sa likuran, lumabas ako at pumasok sa likurang pinto para gisingin sya. Umupo ako sa tabi nya at tinatapik tapik ang tuhod.


"Psst. Gising na, andito na tayo!" Paulit-ulit kong niyuyugyog ang tuhod nya ng biglang syang gumalaw at umiba ng pwesto. Dumulas ang katawan nya sa upuan at napunta sa akin. Napasandal ang ulo nya sa malapad kong balikat. Nakatakip parin ng kulay dilaw na panyo ang mukha nya at malakas na humihilik. Nakaisip ako ng paraan para magising si Majo.


"Ehem.. Mharjory ano ba? Di ka pa gigising? Kuya jam mo 'to." Ginaya ko ang boses ng kinatatakutan nyang kuya sa lahat pero wala paring epekto ang ginawa ko.

Tulog mantika!

"Oyyyyy! Andito na tayoooo!" Nagsalita ako sa normal kong boses. Akala ko ay magigising na sya ng bigla syang gumalaw at tuluyan ng nahulog ang panyo mula sa kanyang mukha. Para akong may katabing sanggol na mahimbing na natutulog habang nakasandal ang ulo sa balikat ko.


"Ahh alam ko na." Naalala ko ang ginawa namin kapag may isang nakakatulog saming tatlo noong mga bata pa kami. Itinaas ko ang kaliwang kamay at itinapat ito sa ilong nya na balak kong pisilin. Nakaayos na ko ng bigla syang nagsalita.

"Alam mo.." Ibinaba ko kamay ng akala ko'y nagising na sya.

"Buti naman gising kana, bangon na pre." Sabi ko.

"Di mo lang kasi.." Nagsasalita pala sya habang natutulog, pinakinggan ko lamang sya at di inalis ang pagkakatitig sa kanya. Sa sobrang lapit ng mga mukha namin ay nararamdaman ko ang kanyang paghinga.

"Mharjoryyy!' Tinapik ko ng dahan-dahan ang kanyang matabang pisnge. Gumalaw sya ulit at hinawakan nya ang pulso ko malapit sa kamay.

"Mama.." Mas dumiin ang hawak nya sakin. Di ako makagalaw at bigla akong nakaramdam ng kung ano sa katawan ko habang magkalapit ang mukha namin isa't isa.

Pigilan mo Eugene

Pilit ko sa sarili habang nakasarado ang isa kong kamay. Unti-unti kong naramdaman ang hininga ni Majo habang inilalapit ko ang mukha ko sa kanya. Di ko alam kung ano ang nangyayari sakin at parang may nagtutulak sakin na gawin iyon.

"Sorry." Ididikit ko na ang labi ko ng biglang may kumatok sa pintuan ng kotse ko, si Chrys pala.

"Eugene? Pre?" Katok nya. Buti na lang at nakalock ang pinto at hindi nakikita ng tao na nasa labas ang nangyayari sa loob dahil sa itim na salamin.

"TOL?"

"Hala baka nakababa na sila iniwan ako."

"Eugene? Majo?"

Nataranta ako at bigla kong naitulak ng malakas si Mharjory papalayo sa akin. Nauntog ang ulo nya ng malakas at lumayo agad ako sa kanya.

'Ano yun? Ano yung tumunog?" Mas lalong nataranta si Chrys sa labas.

Binuksan ko agad ang kabilang pinto bago ilapit ni Chrys ang mukha nya sa salamin at inaninag ito. Pagkalabas na pagkalabas ko ay agad akong lumakhap  ng hangin sa sobrang taranta. 

Muntik na!

"Chrys, anong nangyari?" Nagsalita ako na para bang galing ako sa ibang lugar at parang kakadating lamang. Tumayo si Chrys sa pagkakayuko at pumunta sa sakin.

"Tol ano yung tumunog? Ang lakas eh."

"Meron ba? Di ko narinig kasi galing din akong banyo." Pagkukunwari ko.

"Sa cr? Bat di kita nakita do--." Nag-uusap kami ni Chrys ng biglang bumukas ang pinto ng kotse ko.

"Aray ang sakit ng ulo ko!" Narinig namin si Mharjory na iniinda ang sakit ng pagkakauntog sa loob. Umakting akong walang alam at pumunta sa kanya kasama si Chrys.

"ARAY!" Paulit-ulit nyang hinahawakan ang kanyang ulo. Nakaupo lang sya sa likuran at di makaalis sa sobrang hilo.

"Ano ba kasing nangyari ha?" Pag-aalala ni Chrys sa kanya.

"Aba hindi ko alam, natutulog lang ako tapos biglang sumakit 'to. Aray!" Reklamo nya. Agad akong tumakbo papalayo sa kotse at naghanap kung saan may nagbebentang yelo pero wala akong nakita dahil nasa park and lot kami at tanging nagtitinda lang ng tubig ang nandoon.

"Ano ba kasing pumasok sa utak mo Eugene at nagawa mo yun kay Mharjory?" Kinakausap ko ang sarili ko habang pabalik sa kotse at may bitbit na malamig na mineral water.

"Padaan ako pre!" Agad akong pumasok sa loob at tumabi kay Majo. Itinapat ko ang malamig na tubig sa ulo nya.

'Aray dahan-dahan naman." Inalis ko ang kamay nya na nakapatong sa kanyang ulo.

"Huwag kang malikot." Di ko binitawan ang hawak ko at napansin na may bukol ang ulo nya. Sa tuwing tinitignan ko si Mharjory ay sobra akong nakokonsensya  at gusto kong humingi ng tawad pero di ko alam kung paano. 

Ano ba kasing nangyari sakin?

LostWhere stories live. Discover now