Chapter 12:
Eugene's Point of View
"Kakabayad palang ng internet ah. Bagal!" Alas nuebe ng umaga at nakatambay ako sa may rooftop ng bahay habang ginagamit ang aking laptop at kasalukuyang nanunuod ng cover ng mga kanta gamit ang gitara.
"Nak?" Naririnig ko si Mama na paakyat papunta sakin.
"Bakit po?"
"Mag-almusal ka muna. Ang aga-aga pa yan na naman inaatupag mo." Inabutan nya ko ng kape at paboritong tinapay na may margarine at asukal.
Sarap!
"Lalapatan ko ng music yung ginawa kong kanta ma kaya nakuha ako ng idea sa youtube."Sinilip nya ang ginagawa ko at napatungo.
"Ahh ganun ba, teka nakatulog ka ba kahapon nak? Naririnig kasi kita sa kabilang kwarto." Nanahimik ako pagkatapos nyang magtanong sakin. Napangiti ako ng pilit.
"Kahapon? Oo naman ma baka si Migs lang yung nag-iingay." Ginawa ko na lang na alibi ang alaga kong aso pero ang totoo ay hindi naging maganda ang gabi ko dahil sa misteryosong babae sa panaginip ko.
Kulang pa yung tulog ko, seryoso
"Sige na nak, huwag kang magtatagal sa taas. Sabi pala ng Daddy mo mga 11 am kakausapin ka daw nya." Seryosong bilin ni mama. Bumaba na sya at naiwan akong nasa rooftop at nakaupo sa duyan. Uminom ako ng kape na nakalagay lang sa mesa malapit sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa.
"TskInternet makisama ka!" Habang iniintay ko ay naalala ko na naman ang napanaginipan ko kagabi. "Teka lang." Nagbago bigla ang nasa utak ko.
Imbis na paglalapat ng musika sa bagong kong kanta ang gagawin ko ay nakaisip ako ng ibang gagawin sa laptop ko. Nag new tab ako sa chrome at dumirestso sa google.
"Ok." Huminga akong malalim. "Why does human have a dream?" Pinindot ko ang enter at inintay mag loading ang mga article na babasahin ko.
Pangatlong beses, pangatlong beses na kong nananaginip ng ganun at gusto kong malaman kung ano bang ibig sabihin nun. Sa paghahanap ay may nakita akong pag-aaral ng isang doktor tungkol sa mga panaginip.
"If stress and anxiety can cause such strange and often upsetting dreams, it should come as no surprise that more serious mental health conditions can similarly interrupt your sleep." Pagkabasa ko ay agad akong napahiga sa duyan at nag-isip.
Stress? Iniisip na kung ano? Wala naman eh
Napahinga ako ng malalim at pumikit.
"Inaantok pa ko. Eugene, anong nangyayari sa'yo!" Kinakausap ko ang sarili ko. Nagmumunimuni ako ng biglang tumunog ang laptop na nasa tyan ko. Nagulat ako at muntik nang mahulog sa duyan.
"Tsk. Ano ba kasi yun?" Tinignan ko ito. Tumingin ako sa orasan. Nagtaka ako dahil wala pang 11 oclock pero nag-aaya na si Dad na makipagusap sakin. Tumunog ng tumunog ang laptop ko. Iniayos ko ang sarili at sinagot ito.
"Hello dad, Good morning." Bati ko. Nakasuot sya ng leather jacket, may salaming itim sa mata at may tela sa leeg.
"Annyeonghaseyo Eugene."
"Dad, magtagalog ka kahit nasa korea ka. Pilipino ka hindi oppa hahaha." Biniro ko si Papa at tumawa rin sya.
"Teka nak haha parang narinig ko na yang sinabi mo ah."
"Hahaha." Tawa ko
"Sa PGT yun, napanuod ko sa youtube nung pinagalitan ni robin yung koreano. Tama ba?"
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_