Chapter 29 (Part II)

60 8 7
                                    

WARNING: Patnubay ng mambabasa ang kailangan hahaha. Enjoy!

Chapter 29:

Eugene's Point of View

Napuno ng mga makukulay na ilaw at malalakas na sigawan ang buong paligid habang nakatayo kaming tatlo sa maliit na stage na nasa gitna.

May mga nagpapapicture at ang iba ay tinatawag kami sa mga pangalan namin. Meron pang ngang 'oppa' 'kyah' ang pinagsisigaw.

Kahit tapos na kaming magperform ay di pa rin umaalis ang mga tao sa loob ng resto-bar at di magka-ugaga ang mga staff para asikasuhin ang mga tambak na order.

"Ang angas nyo kanina." Tumalikod muna ako kala Bryan at Chrys para batiin sila.

"Hindi pre, maangas tayo! Nice one guys." Nakipag-apir samin si Chrys at kulang na lang ay halikan kami ni Bryan sa sobrang saya. Nang tumigil na si Chrys ay sinenyasan ako ni Bry na nasa kaliwa ko lang. "Tapusin mo na."

Dahil doon ay humarap ulit ako sa maraming tao at tinapat ang bibig sa mikropono.

"Ahhm.." Bumebwelo pa lang ako para magsalita ng magtilian ulit ang lahat. Umubo muna ako para maagaw ulit ang atensyon nila.

"Salamat sa mga pumunta ngayon, We promise na mapapanuod nyo ulit kami." Tinapos ko ang gabi sa isang ngiti at kaway sa lahat. Pumalakpak sila at kita naming tatlo ang sayang dinulot namin sa simpleng pagtugtog sa harap nila.

Umalis na kami sa gitna at dumiretso sa isang mesa na nasa dulo ng resto, nakaupo doon sila Mharjory at Margaux. Kinakawayan kami ni Majo samantalang malagkit ang tingin sakin ng girlfriend ko.

Huwag kang tumitig sakin, anuba.

"Ang galing nyo kanina, at ikaw." Bati nya sa akin pagkaupo palang sa tabi nya.

"Alam ko kasing nanunuod ang inspirasyon ko." Pinisil ko sya sa pisnge na kaagad nyang sinagot ng malakas na hampas sa balikat ko. Gusto ko pa syang pisilin pero baka kung anong mangyari sa balikat ko kaya napangiti na lang ako sa harap nya.

Nasa isang rectangle na mesang itim kaming lima. Magkatapat kami nila Majo at Bryan samantalang nasa kabisera ng mesa si Chrys.

"Kuya Mike!" Itinaas ni Bryan ang isang kamay at mabilis na lumapit sa kanya ang lalaking may hawak ng papel at ballpen sa kamay.

Tumingin samin si Bryan at inabot sa amin ang menu.

"What do you want guys?" Iniintay nya kaming sumagot pero sya na lang ang pinapili namin. Mas mabuting sya ang pumili dahil baka magsisi kami sa mga kung anong pagkain sa menu ng resto-bar nila.

Kaagad umalis ang waiter pero pagkatapos ng ilang minuto ay bumalik kaagad ito at may hila-hila ng trolley na may mga pagkain at alak sa ibabaw. Halos mawalan ng space ang mesa ng inilagay ito lahat sa tapat namin.

Parang gripo na tumulo ang laway namin ng makita ang mga sinerved na pagkain sa mesa. Ang sarap.

"Woah!" Di maisara ni Majo ang bibig habang nakatingin sa isang putahe malapit sa kanya.

"Lahat ng nandito sa mesa ay mga best seller namin at lahat yan recipe ng Mommy ko. So let's eat?"

Wala ng nagsalita pa sa amin at agad kaming kumuha ng sari-sariling pagkain na kaagad inilagay puting plato.

Sisig, fried rice, chicken wings na naliligo sa sauce, malaking burger na may dalawang patty at parang may asian food pa sa gilid na katabi ng mga alak. Di kami nag-iimikan at parang may galit sa isa't isa dahil sa seryosong pagkain, nakakagutom din pala ang matagal na pagkakatayo kanina.

LostWhere stories live. Discover now