CHAPTER 5

119 22 0
                                    

Chapter 5:

Eugene's Point of View


 "Pumasok ka na bukas ah."

"Huwag ka muna umalis sa bahay nyo, sunduin kita bukas." 

Chinat ko sya nun bago mag-alas otso nang gabi kaya sigurado akong gising pa sya at nakita ko naman na naseen nya iyon pero di ako nakatanggap ng kahit isang reply.

Tulad nang napag-usapan pumunta ako sa bahay nila na maaga pa sa tilaok ng manok dahil babyahe pa ko para makapunta sa kanila.

"Tao po? Tao po!" Nakailang katok ako sa pintuan. Nag-intay ako nang halos sampung minuto pero walang lumabas o bumukas mula dito. Tumingin ako sa orasan at saktong 5:47 na. Kumatok ako nang malakas pero wala parin. Nagdesisyon na kong umalis nang biglang tumunog ang door knob mula sa loob.

"Eugene? ikaw pala iho." Papa nya ang bumukas. Napangiti ako sa kanya.

"Tito gising na po ba si Majo?" Sumusulyap ako sa loob.

"Si bunso? Kanina pa nakaalis. Maagang ngang nagising e." Paliwanag ng papa nya na nakasuot nang asul na sando at mayroong salamin sa mata.

"Ahh Ganun po ba? ...Sige po mauna na po ako." Napakamot ako sa ulo.

Di man lang nya ko inintay? Nagsabi naman ako eh

"Sige iho, mag-ingat ka." Bilin nya sa akin. 


Nagmadali na akong maglakad papalayo sa bahay nila at humanap na ako nang jeep na masasakyan papunta sa school. Buti na lang at wala pang teacher noong dumating ako.

"Good morning!" Pagod na pagod ako at inaantok ng may nagsalita sa kanang tenga ko.

"Andyan ka na pala Majo, pumunta ako sa inyo wala ka dun. Dug--."" Pagkalingon ko ay si Margaux pala ang bumati sakin.

"S-Sorry, akala ko si Mharjory." Nasanay lang ata ako na sya ang katabi ko sa upuan.

"It's okay, si Mhajory ba? She's already here na." Inikot ko ang paningin ko sa buong classroom at hinanap sya.

"A-Asaan? Wala sya didito." Nauutal pa ko habang kausap sya.

"I don't know kung saan pumunta but I see her na may kasama syang lalaki kanina sa labas ng pintuan." Sagot nya. Halos ilang segundo ko din syang tinignan habang nagsusulat ng kung ano sa notebook.

"Salamat." Pumungay ang mata at napangiti. Narinig nya iyon kaya pasimple syang ngumiti sakin.

Margaux huwag kang ngumiti, naiinlove ako lalo!

Habang hinihintay ko si Majo na pumasok sa pinto nakaramdam ako nang pagod at naisipan ko munang magpahinga at gawing unan ang aking bag tutal sabi sabi sa loob ng room ay di daw papasok ang mga prof dahil may meeting sila.


"Thank you po, sa susunod ulit." Nakatayo ako sa isang gilid at basang-basa ng ulan. Nakita kong pinapalibutan ang babae nang napakaraming tao habang ako ay tinatanaw sya mula sa malayo. Pagkatapos nang palakpakan at kanyang pagtatanghal ay naglakad na ito paalis. Paalis na sya ng may kumabit sa kanyang bata at dahil dun ay may nahulog syang libro mula sa kanyang bitbit na bag.

Nanlaki ang mata ko ng di man nya iyon napansin at tutuloy tuloy sa paglalakad. Tumakbo ako sa librong naiwan nya at kinuha iyon. Tinignan ko sya at di pa ito nakakalayo.

"Teka lang miss, may naiwan ka!" Hinabol ko ang misteryosong babae kahit kasagsagan ng malakas na ulan.

"Miss yung gamit m---!" Papalingon na sya sakin nang mabunggo sya sa dumaang lalaki at dahilan para sya'y matumba. Napatigil ako habang hinahabol ang paghinga.

"Ahhh!" Ininda nya ang galos sa tuhod at nagdudugo ito. Nilapitan ko agad sya at iniabot ang aking kanang kamay.

"Ok ka lang? Tulungan na kita." Pag-aalala ko. Kinuha nya ang kamay ko at iniangat sya upang makatayo.

"Salamat ah." Di ako nakapagsalita dahil para akong bulag na di nakasuot nang salamin nang humarap sya sakin.

"May problema ba?" Nahawakan ko sya ngunit malabo ang buong mukha nya at lahat nang bagay sa paligid ay para bang painting na unti-unting nalulusaw kahit ang babaeng nasa harap ko.

"Teka? anong nangyayari sayo?" Ang mga puno sa paligid ay patuloy paring nalulusaw at lumalabo ang lahat. Nawawalan na ko ng hininga at pakiramdam ko ay nababaliw na ko.


"Pre? Pre!" Boses ng isang babae ang narinig ko habang unting unting nawawala at nabubura ang paligid.

"Sino ka ba talaga ha?" Napalakas ang boses ko.

"Eugene! Eugene oy!"  Unti-unting kong minulat ang mga mata ko at bumungad sakin ang mukha ng isang babae na nakatali at nakasuot ng madaming itim na bracelet sa braso si Majo pala.

Nanaginip na naman ba 'ko? Anong ibig sabihin nun?

Nakatulog pala ako dahil sa sobrang pagod.  Tinuro nya ang aking bibig at napansin kong tumulo na pala ang aking laway at pinipigil nya ang pagtawa.

"Hinahanap mo daw ako pre? Miss mo ko no? Haha." Tumawa sya nang malakas at inayos ko agad ang aking pagkakaupo.

"Ikaw? Di ah, baka hanapin ka na naman ni Sir sakin eh. Bumalik ka na sa upuan mo. Oo nga pala dun ka na nakau--- ." Ituturo ko na sana ng bigla syang nagsalita.

"Kanina ko pa alam, Mr. Antukin." Sabi nya.

"Ha? Mr. Antukin? Sino ako?" Kumunot ang noo ko. Di nya ko pinansin at biglang  umalis sa harapan ko habang tumatawa ng malakas. Napatahimik ulit ako ng alalahanin yung panaginip ko kanina.

Wala yung ibig sabihin Eugene, pagod ka lang.



LostWhere stories live. Discover now