Chapter 24:
Chrysler's Point of View
Tahimik kaming lahat sa buong classroom at nakikinig sa sermon ng teacher namin sa History. Di namin inaalis ang paningin sa isa sa mga pinakamababang magbigay ng grades sa buong campus, si Ma'am. Chavez. Pinapagalitan nya kami dahil hindi nya nagustuhan ang play na halos ilang linggo naming pinaghandaan. Si Eugene kasi ang director ng play pero dahil sa ilang araw nyang di pagpasok eh nagkagulo ang lahat.
Di namin inaalis ang paningin sa mga nanlilisik na mata nito.
"Di nyo ba alam na malaking bawas iyon sa grado nyo? Hahatakin kayo pabab---." Napatigil ito sa pagsasalita at napatingin ng diretso sa bandang likuran. Tumaas agad ang kilay nito na nagpadagdag ng takot sa amin.
"Huh?" Napaangat ang noo ko sa kinilos nya. Tumingin na rin ako at ganun na din ang lahat. Napamura ako sa isip at napakagat ng labi.
Wrong timing ka pre! Bakit?
"Oh look who's here. Mr. Vergara long time no see!" Bati ni Ma'am na halatang peke ang pagkakangiti. Tuloy-tuloy lang sa paglalakad si Eugene na parang wala sa sarili.
"Naririnig mo ba ko? Mr. Vergara!" Napatigil ang kaibigan namin at tumango sa kanya. Napahawak sa baywang ang teacher namin na seryosong nakatitig sa kanya.
"2 weeks." Itinaas nya isang kamay at nagbilang. "2 weeks kang hindi pumasok sa klase ko, alam mo naman atang hindi maganda iyon?"
"Y-yeah"
Hindi kumukurap ang lahat at wala kang maririnig na ingay.
"Masyado atang napatagal ang bakasyon mo? And for your information kahit kanino ay di ako nagbibigay ng special project lalo na sa katulad mong nagpakasarap sa mahabang bakasyon." Tumaas ulit ang kilay nito. Para kaming nanunuod ng isang seryosong sagutan sa isang telenovela.
Inaabangan namin ang susunod na mangyayari ng bigla umubo si Eugene. "Ehem." Nakahawak ito sa bulsa at iniangat ang ulo. Diretso itong nakatingin sa harap kung saan nakatayo si Ma'am. Chavez. Kita sa mukha nya ang unting pagtataka sa ginawa ni Eugene.
"Mawalang galang na po, I didn't ask for any special treatment o project para sa subject nyo." Napangisi ito. Bigla syang naglakad papunta sa upuan, malapit sa akin. Di namin alam kung saan titingin sa kanilang dalawa.
"Ganyan na ba talaga kabastos ang mga kabataan ngayon huh? And one more thing di ako nagpapasok ng mga late sa klase ko, nakalimutan mo na ba?" Namumula na si Ma'am sa galit at mas lalong lumakas ang boses nya sa loob ng classroom.
Ngumisi si Eugene na nakatayo na malapit sa akin.
"Di ka man lang nag good morning sakin, at basta basta ka nalang dumiresto! Isa ka pa naman sa mga Top students sa buong school pero ganyan ang ugali mo. Bastos!" Tumingin ako kay Eugene na baka may isagot sa sinabi nya pero wala itong reaksyon. Naglakad ulit ito papunta sa pinto pero huling hakbang papalabas ay tumigil ito at tumingin sa gitna ng classroom kung saan nakatayo si Ma'am. Chavez.
"Where are you going?"
"Kakasabi nyo palang kaninaMs. Chavez na di ka na tumatanggap ng late sa klase nyo." Ngumisi ang kaibigan ko. "Buti naman at nakikinig ka sa pinagsasabi ko dito sa harap." Tumawa ito ng mahina. Tumingin ako kay Mharjory na kanina pa pinipigil sagutin ang teacher namin pero buti na lang ay pinigilan sya ni Bryan na katabi nya lang sa upuan.
"Hahaha!" Sinabayan sya ni Eugene sa pagtawa.
"Bakit? May nakakatawa ba?"
"Nag-good morning din ako sa inyo kanina pero di mo ko napansin o narinig, sino ba talagang may problema satin Ms. Chavez?" Iniayos ni Eugene ang buhok nya.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_