Chapter 9:
Mharjory's Point of View
"Sa dinami dami ng pwede mong kalimutan, birthday pa ng tropa ng natin hahaha nako." Inasar ko ang ulyanin na si Chrys habang naglalakad sa mall at papunta sa bibilhan ko ng regalo para kay Eugene.
"Di ko nakalimutan yun Majo. Sadyang ano lang talaga ano lang talaga ako ahh.." Di sya makasagot
"Ano?" Tanong ng gf nya
"Pogi! Ganun talaga kapag pogi, makakalimutin." Pinasok nya ang dalawang kamay sa bulsa habang naglalakad at pasipol sipol. Di kami umimik ni Chelsea at di sya pinansin.
"Teka! Bat di kayo nagsasalita? Naniniwala kayo no? Na pogi ako? Hahaha." Humarap sya samin
"Di ka naman ganyan nung elementary tayo e. Hays." Napahinga ako at umiling.
"Chelsea? Love? huwag mong sabihing pati ikaw?" Hihawakan nya ang kamay nito.
"Mas pogi pa si Lee Min Hoo sayo! Hmmp." Sabi ni Chelsea. Sumimangot ang
mukha ni Chrys.
"Tsk, dun lang ako kay Bae suzy. BAE SUZY!" Binitawan nya ito sa pagkakahawak.
"Kilala mo si Suzy?" Tanong ni Chelsea habang nanonood sa kanilang dalawa at natatawa. Hahahaha!
"Oo naman! Ganda kaya nun tsaka sexy pa!" Pagmamayabang nya.
"Papapano mo nakikilala yun? You're not a even a kpop or a kdrama fan? How?" Nag-english na si Chelsea.
"Hahahaha! Laughtrip kayong dalawa." Di ko na napigilan ang pagtawa ko.
"Paano nga?"
"Basta." Di parin sila tumitigil
"Ahh guys? Andito na tayo! Haha." Di nila napansin na nakatapat na pala kami sa pupuntahan namin. Itinuro ko ito gamit ang daliri ko at napatigil sila sa pagsasalita.
"Anong gagawin natin dito jo?" Tanong ni Chrys sakin at nakakunot ang noo.
"Eto talaga makakalimutin ka! Hahaha. Remember bibili ako ng regalo kay Eugene. Naalala mo na?" Paalala ko. Nakatunganga parin si Chrys at nakabuka ang bibig habang nag-iisip.
"Just ignore him Mharjory, ganyan talaga yan. Minsan nga iniisip ko kung bat ako napa-oo sa kanya eh." Biro ni Chelsea.
"Nako Chrys haha. Let's go!" Hinawakan ni Chelsa ang kamay ni Chrys at pumasok na kami sa loob.
"Good day ma'am, sir. Welcome po!" Bati ng sales lady saming tatlo.
"Woah!" Biglang sabi ni Chrys. Inikot namin ang buong paligid gamit ang mga mata sa mga instrument na nakadisplay doon.
"Magkano kaya 'to?" Napatigil si Chrys sa drums na nasa gitna ng shop. Mahilig din sa music si Chrys, isa syang bassist sa dati naming school pero tumigil sYa dahil nahiligan na nya ang pagtayo sa ilaw at pagngiti sa camera. Nagmomodel na sya since 4th year highschool kami. Tinignan ni Chrys ang tag price na nakasabit sa may mahabang bakal. Bigla nya itong binitawan at napangiwi ang mukha.
"Problema pre?" Tanong ko.
"Mahal eh. 15,000 yung price, babali ng lang ng hanger sa bahay tas magtatayo ng limang lata ng gatas at sardinas sa kwarto hahaha."
"Siraa! Haha malamang orig yan."
"Oo nga pala haha nakalimutan ko." Sabi nya. Napailing ako sa kanya habang tumatawa.
"Majo!" Tinawag ako ni chelsea bigla.
"Bakit?"
"Are you sure na dito ka bibili?" Tanong nya.
"Oo bakit? Tsaka baka di magustuhan ni Eugene kung walang connect sa hilig nya diba?"
"Eugene the great musician hahaha." Dagdag ko. Gitara, drums, piano, beatbox at marami pang insturment ang nakadisplay sa shop pero ni isa sa kanila wala akong mapili. Huee!
"Tol eto oh!" Tinawag ako ni Chrys. Lumapit sya sakin at kinalabit ang balikat ko.
"Bakit?" Humarap ako sa kanya at may dala dalang kung ano.
"Bigay mo kay Eugene string ng gitara." Hinagis nya ito sa hangin at sinalo sabay nilapat sa kamay nya at iniharap sa mukha ko.
"Ehh asan yung gitara?" Patanong at natatawa kong sabi sa kanya.
"Gitara? Sus mayaman naman si Eugene kaya nyang bumili nun kahit limang piraso hahaha."
"Hahaha sira."
"Chryssss!" Biglang syang sinigawan ni Chelsea.
"Bakit boss?" Tumalikod sya at tinignan ito.
"Di ka naman nakakatulong kay Majo eh. Tsk, puro biro lang alam mo." Sinermunan na naman nya ito hahaha. Lumapit sakin si Chrys at may binulong.
"Kaya ayaw ko magkagirlfriend eh haha." Sabay alis sa tabi ko at pumunta sa gf nya. Halos paulit ulit na kaming nag-iikot sa shop at sinusundan ng nagbabantay dito na para bang may nanakawin kami sa tindahan nila.
"Guys! May naisip na ba kayo?" Lumapit ako sa kanilang dalawa.
"Ahh Majo?"
"Bakit Chelsea? May napili ka na?"
"Ahh hindi dun, mauuna na kami ni chrys."
"Uuwi na kayo? Sayang naman."
"Di pa kami uuwi, nagtext na kasi si tita andito na daw sya eh may dinner pa kami with her." Paliwanag nya.
"Sama ka na lang samin pre?" Inaya ako ni chrys
"Ako? Wag na tsaka family gathering nyo yun, nakakahiya naman haha."
"Sigurado ka?" Tumango lang ako at ngumiti.
"So mauuna na kami ah but wait may napili ka na ba?"
"Wala pa nga Chelsea eh, una na kayong dalawa baka kanina pa kayo iniintay ng mama ni Chrys."
"Babyeee!" Lumabas silang dalawa sa shop habang magkaholding hands, Natira akong mag-isa sa loob at naghahanap parin ng pangreregalo kay Eugene.
"Hmm."
"Ahh ma'am ano po bang hinahanap nyo?" Tinanong ako ng saleslady na kanina pa ko tinitignan.
"Pang-reregalo ko sana."
"Kanino po? Para sa boyfriend nyo? Meron po kaming pang couple na ukulele?"
"Di ko po boyfriend yun hehe, kaibigan lang po."
"Ahh ganun po ba."
"Psst."
"Bakit gene?"
"Tignan mo tong binebenta online."
"Oh anong meron dyan? Bibilhin mo?"
"Oo sana eh, kaso...."
"Kaso ano?"
"Kakabili ko palang kasi ng Ampli para dun sa Electric guitar ko tsaka ayoko manghingi kay Dad."
"Wawa naman Eugene hahaha." Naalala ko bigla yung usapan namin
"Ahh miss?"
"Bakit po ma'am? May napili na po ba kayo?" Tanong nya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at may kinalkal sa google.
"Meron ba kayong ganto?" Itinapat ko sa saleslady ang cellphone ko.
"Yes po ma'am doon po banda." Itinuro nya ko sa bandang dulo ng shop.
"Ma'am ganto po ba?"Pinakita nya sakin iyon at ganun na ganun ang itsura nito.
"Yes, finally nakita na rin kita. Kukuhain ko na yan miss." Agad akong sumunod sa saleslady papunta sa counter.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_