Chapter 9:
Chelsea's Point of View
"Love alam mo ba na nanalo na best thesis yung group ko, akala ko nga nung una revision kami eh pero hindi pala." Naglalakad kaming dalawa ni Chrys habang magkaholding hands sa mall.
"Ahhh. Congrats." Maiksi nyang sagot habang hawak nya sa kanyang kanang kamay ang cellphone.
"Wait, kamusta yung Sports fest nyo? I heard na maglalaro ng badminton sila Mhajory at si Eugene ah?" I ask him
"Inurong, next week pa." He answered at napatango ako. Pinagpatuloy namin ang paglalakad.
"HAHAHAHAHAHA!" Bigla syang tumawa ng malakas ng walang dahilan. Binitawan ko agad ang kamay nya.
"Hey, what's funny ha? May nasabi ba 'kong nakakatawa?" Sabi ko habang nakataas ang kilay.
"Hahahaha eto kasi si ano eh haha." Palakas ng palakas ang tawa nya at itinuturo turo pa ang hawak na cellphone.
"Sino ba yan ha? Patingin!" Hinablot ko ang phone nya.
"Wala nga yan hahahahaha." Di nya ko pinigilan at nanatili lang sa pagkakatayo habang pinipigil ang pagtawa.
Scroll down, down, basa hmmm.
"Eh bat ka natatawa? Si Eugene lang naman yang kachat mo?" Pagtataka ko. Pinipigilan parin ni Chrys ang pagtawa nya.
"Kasi nga..hahahaha." Di nya na napigilan at tumawa na parang mawawalan ng hininga.
"Kung di lang kita boyfriend iisipin kong baliw ka or psycopath na napadpad dito sa mall. Tsk bakit nga kasi? So anong meron kay Eugene?!" Nagsisimula nang uminit ang dugo ko at baka mag iskandalo pa ko sa mall.
"Binigay ko kasi yung address nya sa bago naming kaklase hahaha." Sagot nya
"That's it? That's the reason kung bakit ka natatawa?" Kumunot ang noo ko at sinigawan ko sya.
"Yeah that's it love haha, gusto nya kasi yung babaeng yun pero tinatanggi nya samin ni Mharjory hahaha. Nakita mo naman sa chat na tinadtad nya ko hahaha." He said. Tinignan ko ulit ang phone nya and he was right. Bigla ko syang pinalo sa balikat.
"ARAYYYYY! Bakit?" Pagrereklamo nya habang hinahawakan ang balikat.
"Bakit nyo dinadamay sa Mhajory dito ha? Haaaa!" Pinalo ko ulit sya ng sunod sunod.
"Arayyy arayyyy! Masakit na! Anong meron kay Majo?" Di ako umimik at tinignan ko lang sya habang nakapamewang and after a seconds parang nainitindihan na nya ang nasa utak ko. That's my boy!
"Ahh si majo? Kay gene?" Sumeryoso ang tono ng boses nya.
"Oo." Binigay ko sa kanya ang phone nya. He hold my hand at naglakad na ulit kami sa mall.
"Iba yung tipo nun ni Eugene tsaka kahit si Majo ayaw sa kanya."
"No way! May possibility na magkagustuhan sila. Kahit ganun kumilos si Mharjory babae parin yun." Kontra ko
"Basta ako hanggang magkaibigan lang sila, yeah kahit na araw-araw silang nag-aaway walang meaning yun."Napaisip ako bigla sa sinabi nya.
"Yung double date? Yung plinano natin natandaan mo? Tumalab ba?" Humarap si Chrys sakin at tinitigan ako maigi.
"Ahh yes?" Di ako sigurado sa isasagot ko sa kanya.
"Anong yes? Hahaha wala ring epekto sa dalawa hahaha." Sabi ni Chrys.
"Tama na nga yan gutom na ko but wait sinabihan mo si tita na sumunod satin?" Tanong ko. May lunch kasi kami with his mom kaya nasa mall kami ni Chrys.
"Oo, sabi nya after ng shift nya sa office mga 5pm baka nandito na si mama." Sabi nya. Tumingin ako sa orasan ko at 3 oclock palang at gutom na ko.
GRRRRRRR!
"Sino yun?" Narinig nya ata yung tyan ko.
"Wala wala." Palusot ko. "Oy saan tayo pupunta?" He grabbed my hands at dinala nya ko sa isang resto sa 2nd floor. Humanap kami ng upuan sa labas at dun kami pumwesto. Magkatapat kaming dalawa at bigla syang tumitig sakin.
"Ano bang gusto mo? Kung "ikaw" yung isasagot mo matagal ko nang alam hahaha." Sinara bukas nya ang mata at nagpapacute sa akin.
"Anong ikaw? Gusto ko si Lee Min Ho, hindi ikaw." Tinaasan ko sya ng kilay at kunwari ay nagagalit.
"Suss Lee Min Ho? Lamang lang yun ng isang paligo sakin e, kaya ko nga magsalita ng salita nila e." Pagmamayabang nya. Pinipilit kong tumawa at nagpapakaseryoso.
"Paano? Sige nga!" Sabi ko. Nilapag ni Chrys ang kamay nya sa lamesa. Huminga muna sya ng malalim, iniayos ang upo at umubo.
"Ehem.. eto na."
"Bilis!" Iniintay kong bumuka ang bibig nya.
"Eto na nga e." Pinikit nya ang mata nya sabay sabing.
"Annyeong sa imo magandang hapon tanan." Pinipilit kong hindi tumawa ng malakas pero di ko na napigilin ang sarili ko sa ginawa nya.
"Lee Min Ho oppa! Mwuah!" Nagfinger hearts sya sa akin at nagpacute. Mahilig kasi ako manuod ng mga korean drama simula noong 3rd year high school palang ako at si Lee Min Ho ang pinakagusto ko.
"Parang kang bakla! Hahahaha." Tawa parin ako ng tawa.
"Di kaya Hmmp!" Inayos nya ang buhok na parang babae.
"Teka love, si tita ba yun?" Napansin kong may kumakaway sa amin mula sa malayo. Lumingon si Chrys at tinignan kung sino.
"Di yan si Mama tsaka di ganyan pumorman nya. Naka short na hanggang tuhod, naka suot ng malaking t-shirt, at naka vans? Hahaha." Sabi nya. Di ko makita ng maayos dahil wala akong suot na salamin at medyo malabo ang mata ko.
"Ahh akala ko si tita. Papuntahin mo dito si Eugene." Inutusan ko si Chrys. Naaninag ko na papalapit na sa mesa namin.
"Huh? Si Eugene? si Majo yun love."
"Akala ko si Eugene." Nagkamali pala ako.
"Uyy guys." Narinig ko na ang boses ni Mharjory. Nasa harap na namin sya at nakangiti.
"Hey Majo! Supp!" Nag-hifive silang dalawa.
"Oy chelsea!" Bati ni Mharjory sakin
"Hello haha ginagawa mo dito?" Tanong ko
"Oo nga pre, may kadate ka ata ngayon eh. Sabihin mo na! Hahaha." Biro ni chrys. Pinalo ko sya sa kamay.
"Aray! Bakit na naman?" Reklamo nya. Di talaga maiwasan ni Chrys ang bibig nya minsan.
"Sorry Majo ah puputulin ko 'tong bibig ni Chrys eh."
"Hahaha sanay na ko dyan. Ok lang." Tumawa din ito.
"Upo ka muna." Alok ko
"Huwag na, may bibilhin pa ko eh." Tanggi nya
"Eto naman si jo, kumain ka muna libre ko ulit." Aya ni Chrys. Di parin umuupo si majo.
"Naks, iba talaga pag-rk hahaha pero seryoso huwag na bibili pa ko ng regalo para kay Eugene." Sabi nya
"Regalo kay eugene? Bakit?!" Napatayo si Chrys sa pagkakaupo.
"OA neto, umupo ka nga." Saway ko hinila ko pababa si chrys.
"Sorry love pero BAKIT NGA!?" Napalakas ang boses nya at pinagtinginan kami ng mga tao.
"Birthday nya sa Wednesday, nakalimutan mo na? Hala patay ka hahaha." Tawa ni majo. Napatingin ako kay Chrys at kita ko sa mukha nya ang di matimplang mukha.
"Hahaha! oo nga tuwing Valentines pala yung Birthday ni Eugene." Gatong ko.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_