Chapter 17:
Mharjory's Point of View
"Star landd? Weh? Ang tagal ko nang di nakakapunta dito!" Nanlaki ang mata ko ng makita ko ang colorful na pangalan nito sa entrance. Naglabas si Chrys ng cellphone at agad binuksan ang camera.
"Ok guys smile? 1..2.." Di pa kami nakaayos ng bigla nyang pinindot ang capture ng camera nya.
"Ok tapos na hahaha. Pasok na tayo sa loob?" Sabi nya sabay bulsa nito. Di kami gumalaw ni Eugene dahil sa biro nya sa amin at dismayado ang mukha.
"Uyy mga pre?" Tinitigan nya kami.
"Ulitin mo yung picture!" Seryoso kong sabi. Umiling lang sya at tumakbo papasok sa entrance. Hinabol ko sya ng mapansin kong di nakasunod si Eugene sa likuran ko, binalikan ko ang pwesto namin at naiwan syang nakatayo doon. Nilapitan ko sya at kinausap.
"Eugene halika ka na! Nandoon na si Chrys sa loob." Hinawakan ko ang kamay nya at hinila ito. Naramdaman ko na nanlalamig at nanginginig sya.
"Di ko pa rin kaya e.." Napasara ang kamay nya at napayuko. Di ko alam ang gagawin ko kaya tinitigan ko na lang sya ng maigi.
"Hays, dahil ba 'to dati? Gene matagal na yun kung bibilangin mga 6 years na yun teka 6 years ba? Ahh basta. Kaya mo yan gene, nandito naman kami e. Huh?" Nakaramdam ako na takot parin sya kahit matatanda na kami.
Simula bata walang kaibigan si Eugene. Isa lang syang batang pumapasok sa school at walang kumakausap sa kanya. Binubully sya dati dahil walang magulang na sumundo at naghahatid sa kanya sa school, yaya lang ni Eugene ang pumupunta doon araw-araw.
"Sa kotse na lang ako maghihintay, mauna ka na." Aalis na sya sa harap ko nang hinarang ko sya gamit ang dalawa kong braso. "Padaanin mo ko jo." Sabi nya.
"Ano ba Eugene? Ikaw yung nagdala samin dito pero kung ganyan lang din eh umuwi na tayo. Magtiwala ka naman sa sarili mo gene, ano ba?"
"Pero.."
"Ahh basta basta wala nang pero pero mas maganda sa star land kapag pagabi na, lika ka na kasi Eugeneeee!" Pumunta ako sa likuran nya at tinulak sya ng buong powers papasok. "Tigilan mo yan jo." Napatigil ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko na nakadikit sa likod nya. Humarap si Eugene at di ako binitawan.
"Bakit? Huwag mo sasabihing uuwi na tayo?" Seryoso kong tanong. Napailing sya at pinilit ngumiti. Hinila nya ko papasok sa entrance.
"Sabi ko naman sayo eh hahaha. STAR LAND NANDYAN NA KAMI!" Dahil masyadong malayo ang star land ganun na lang kami kaexcite ni Chrys na sumakay ulit sa mga rides.
Andaming tao, puro magpapamilya, mga bata, estudyante at higit sa lahat mga couple na masasakit sa mata. Kapag may discount mas madaming tao.
"Asan na ba si Chrys?"
"Di ko alam tumakbo sya kanina e, di ko nasundan kasi binalikan kita." Di parin nya binibitawan ang kamay ko. Habang hinahanap namin si Chrys sa dami ng tao. Napadaan kami sa isang rides na para sa mga couple na binubuksan lang nila tuwing valentines lang. Biglang lumapit samin ang staff ng mismong rides
"Sir Ma'am, subukan nyo po itong Journey of Love for only 100 pesos lang po."
"Sorry pero di kami magsyota hehehe." Tanggi ko. Napatingin ang lalaking may suot na pulang polo at sumbrerong may puso sa kamay naming dalawa.
"Are you sure na di po kayo interesado?" Biglang binitawan ni Eugene ang kamay at pinasok ang kamay nya sa bulsa ng pantalon.
"Were friends pre, hinawakan ko kasi baka mawala."
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_