Chapter 27:
Mharjory's Point of View
Madilim na sa labas ng marinig naming bumuhos ang malakas na ulan. Nasa pangalawang pelikula na kami at seryosong nanunuod. Pero di ako makapag-concentrate dahil kanina pa lakad-tingin sa bintana si Chrys.
"Umupo ka nga, di ko alam kung alin yung papanuorin ko e." Sabi ko. Humarap sya sa amin at namumuo ang pawis. Alam ko na kung bakit.
"S-sabi kasi kanina ni myloves na malapit na sya pero anong oras na eh." Pagkasabi nya ay biglang kumulog ng malakas. Di ko sinasadyang mapayakap kay Bryan na katabi ko lang sa sofa. Ngumiti sya sa akin na parang ewan habang takot na takot ako.
"Hanggang ngayon ba naman takot ka sa kulog? Hahaha." Medyo naging awkward kaya inalis ko kaagad ang sarili sa kanya. "Di ah nagulat lang ako." Palusot ko at iniayos ang upo.
Naupo na rin si Chrys na halatang nangalay dahil kanina pa nakatayo at dahil na rin sa kaunting pilit ni Eugene. Pagkatapos ng ilang minuto ay sunod-sunod na nag-ingay ang doorbell sa labas.
"Baka si Chelsea na yun!" Agad nagtatakbo si Chrys at lumabas. Di man lang sya kumuha ng payong para sunduin ang kaibigan ko.
Pinause namin ang pelikula at sinundan si Chrys. Nakatayo kami sa may pinto at di na sumunod sa labas dahil sa sobrang lakas ng ulan.Di nga nagkamali si Chrys. Nakita namin na basang-basa si Chelsea habang may bitbit na kung ano.
"Ba't di ka man lang nag-message sakin?" Basang-basa si Chrys na inalalayan ang girlfriend nya papasok sa loob.Napansin kong nawala si Eugene sa likod ko at nagmamadaling tumakbo paakyat. Kaagad din syang bumalik sa amin at may bitbit ng tuwalya at damit.
"Kanina pa yan di mapakali, talo pa babae eh hahaha, oh eto!" Iniabot nya sa dalawa ang kinuha nya mula sa taas.
"Sabi ko naman sa kanya na bibili ako ng pagkain eh, pero naabutan na ko ng ulan sa byahe. Nawalan pa ng signal yung phone ko. Sorry love." Binalingan nya ng tingin si Chrys na kaagad naman syang niyakap at hinalikan sa noo."Nag-alala lang talaga ako sa'yo." Napangiti si Chelsea sa ginawa ni Chrys. Tinignan naman ako ni Bryan na parang ewan.
"Magkakaboyfriend ka rin, intayin mo lang." Inaasar nya ako habang pabalik sya sa upuan. "Walang forever." Sabi ko sa kanya. Nagbago ang tingin ko sa mga lalaki at ayoko na ulit makaranas ng love kunno na yan dahil sa nangyari sakin dati. Mas gugustuhin ko na lang makasama ang mga kaibigan ko kesa magkaroon ng lovelife na sakit sa ulo.
"Ano ba 'tong dala-dala mo?" Tanong ni Chrys kay Chelsea habang bitbit ang dala nito. "Pizza then yung sa isang plastic puro chips at softdrinks."
Para akong nakakita ng rainbow sa buong paligid ng sabihin yun ni Chelsea. Kanina pa kasi kami di kumakain dahil expire na pala yung mga cup noodles na nasa kusina.
"Akin na yan pre, magpatuyo na kayo." Alok ni Eugene. Binigay na ni Chrys ang mga pagkain at inalalayan na si Chelsea sa upuan ng magsalita ito.
"Bakit love?"
"Sabi mo kanina anim tayo lahat?" Binilang nya kami isa-isa. "Eh bat kulang? Sinobrahan ko pa naman yung foods." Pagtataka nya. Napakamot si Chrys sa ulo.
"Yun na nga eh, umalis na yung labadab ni Eugene. May gagawin ata." Tumango si Chelsea at umupo na sila.
"Bakit nga pala umalis yun pre?" Dagdag nya habang nagpupunas ng tuwalya sa ulo. "May gagawin daw." Maiksi nyang sagot.
YOU ARE READING
Lost
Teen Fiction"This is too hard, is this path right for me? I am confused please never leave me alone." Written by: JSLopez_